Bitcoin Forum
May 30, 2024, 09:37:37 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Maligayang Pagdating sa Bitcointalk! (Welcome Message of Theymos - Tagalog)  (Read 238 times)
nngella (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 42


View Profile
September 27, 2018, 03:26:59 AM
 #1

Ito ay translation mula sa post ni theymos: Writing a welcome message


Maligayang pagtanggap sa'yo dito sa bitcointalk.org, the Bitcoin Forum! Pwede mong makita ang mensahe na ito sa  "help" sa taas na menu bar sa lahat ng oras.

Bilang isang kasapi ng forum, ikaw ay napapalibutan ng mga sikat na personalidad, mga matagumpay na tao, pati mga sawi at bigo.  Ang forum ay nilikha ni Satoshi Nakamoto at naging daan upang maging kaunanahang palitan tungkol sa crypto, unang altcoin, and unang ICO, at pati narin malaking sakuna na nangyari sa larangan ng software, malakihang pandarambong, and mga hindi kapani-paniwalang panloloko. Ikaw mismo ay may malaking oportunidad upang maging parte ng kasaysayan ng forum na ito; sa kung paanong paraan ay nasa palad mo.

Talaan ng nilalaman

Layunin ng Forum

Ang forum na ito ay nabuo upang magbigay ng isang libre (ngunit organizado) na plataporma para sa pagpalitan ng iba't ibang ideya.  Kung ikaw ay may nais iparating, pwede mo ipahayag ang iyong nasa isip siguraduhin lamang na hindi ka sumusuway sa mga batas ng forum.

Maraming tao ang pumunta rito upang makakakalap ng salapi.  Ang namamahala ng forum na ito ay nagagalak na nagagamit ito ng mga tao upang umunlad sila; tunay nga na isa sa mga rason sa pagpasasatupad ng Bitcoin ay upang basagin ang ilan sa mga hadlang na nagpapahirap sa mga tao upang umasenso sa estado ng kanilang buhay.  Subalit, kung ang iyong pamamaraan upang kumita ay taliwas sa naisin ng forum na ito na magkaroon ng matalinong talakayan, ikaw ay parang lumalangoy salungat sa agos, at sa huli, ay hindi ka magiging matagumpay.

Kung ang tingin sa forum ay isang "trabaho" kung saan ikaw ay kikita sa pag kumpleto ng mga sipleng gawain, ikaw ay madidismaya, at ang namamahala ng forum na ito ay hindi ka mabibigyan ng simpatya.  If ikaw ay kikita sa forum na ito, ito ay dahil sa mga makabagong ideya at talas sa pag nenegosyo, hindi sa bara-barang gawain.

Ranggo sa Forum

Kung kakasali mo pa lamang, ikaw ay isang Newbie, at makakaranas ka ng mga nakakainis na limitasyon.  Ang mga limitasyong ito ay kakarampot lamang na bihirang mapuna at kadalasan ay mapapansin mo lamang kapag naka ilang linggo ka na sa forum.  Kung ikaw ay nasa forum upang makipag-usap at talakayan, sapat na ang kaalaman na ito upang magamit mo nang maayos ang forum.  Huwag kang mag alala, tataas din ang iyong ranggo sa pagtagal mo sa forum.

Kung nais mo na malubos ang iyong ranggo, dapat ay mapataas mo ang dalawang karakter na nakalista sa profile mo:
  • Activity, malulubos mo ito sa pag-likha ng mga posts isa kada araw ang pamantayan. Pag-gawa ng posts nang sobra sa isa ay walang kabuluhan sa pagpapataas ng iyong activity.
  • Merit, nakukuha sa pag-buo ng kahanga-hangang posts.

Kung ikaw ay gagawa ng sampong libong posts sa loob ng isang linggo, ang iyong activity ay hindi na uusad at ikaw ay isa paring Newbie. Kung ikaw ay gagawa ng sampong libong  walang saysay na posts kahit gaano katagal, wala kang makukuhang merit at ikaw ay isa paring Newbie. Tataas lamang ang iyong ranggo sa pag-likha ng kahanga-hangang mga posts . Ito ay basehan ng kalidad at hindi sa dami ng iyong posts.

Sa pag susulat ng mga malikhaing posts, karamihan ay para bang sumusulat sila ng takdang aralin para sa kanilang eskwelahan;  paglagay ng mga bagay na alam na ng karamihan at commonsense na lamang.  Walang may gusto na magbasa ng mga ganuong bagay, at hindi ka makakakuha ng merit.  Bukod pa ruon, ang haba ng iyong post at kalidad ng pagsalin nito sa wikang Ingles ay isang maliit na bagay lamang sa pagdikta ng kalidad ng iyong post.  Sa pag-buo ng isang posts na karapat dapat bigyan ng merits, dapat ay magbahagi kang ideya, sariling karanasan, o perspektibo/pananaw na pupukaw sa atensyon ng ibang kasapi ng forum na ito.

Pagpaskil ng mga Larawan at Pag-karoon ng Bitcointalk Signatures

ang mga ranggo na Newbie ay hindi pwedeng makapag post ng mga larawan o kaya ay magkaroon ng bitcointal signature sa kanilang profile.  Kung nais mo na makaranas ng mga pribilehiyo na ito, kailangan mong tumaas ng ranggo (napaliwanag sa taas) o magbayad upang maging copper membership.

Karaniwang Kamalian at Pag-labag sa Batas ng Forum

Ito lamang ay ang mga pangkaraniwang kamalian at pag-labag.  Marami pang ibang batas ang forum na ito bukod sa nabanggit.

  • Labag na Pangongopya: Kung ikaw ay nangopya ng gawa ng iba, dapat ay sapat ang iyong dahilan kung bakit mo ito ginawa at bukod pa ruon ay dapat mong sabihin sa post mo kung saan mo ito nakuha/nakopya.  Kung hindi mo ito ginawa ay nangopya ka nang labag sa batas.  Baguhin mo man ang pag gamit ng salita ngunit kinopya ang ideya nang may masamang intensyon, ito pa rin ay labag sa batas.  Kung ikaw ay mahuli na ginawa ito, ikaw ay permanenteng pagbabawalan na maging parte ng forum, kahit na ginawa mo ito dati pa at ilang taon na ang lumipas at ngayon ka lamang na nahuli ay ikaw pa rin ay makakaranas ng nararapat na kaparusahan.
  • Paulit ulit na posts: Huwag kang magpaulit ulit ng iyong posts sa isang topic/paksa.  Bagkus, ang una mong post ay baguhin mo na lamang gamit ang "edit".
  • Kawalang-utak na mga posts at hindi ginamitan ng sentido kumon: Huwag ka mag post ng mga posts na hindi nakakatulong sa forum tulad ng mga salitang "agreed!", "nice project!", at iba pang katulad nito. Pwede kang mapagbawalan ng gumagamit ng forum dahil dito.  Ito rin ay walang kabuluhan kung gusto mo tumaas ang iyong ranggo dahil hindi ka makakakuha ng merits sa ganitong mga posts.

Wika

Kung ikaw ay kayanag makipagusap gamit ang ibang wika bukod sa Ingles, ikaw ay inaanyayahan na mag post sa iyong local board.  Ang mga boards na ito ay may mga komunidad na madaling pakabagayan at madalas ay mga kalahi mo pa at kababayan, na lubos na makakatulong sa iyo kumpara sa mga Ingles lamang ang wika na ginagamit.

Sa "English sections", wikang Ingles lamang ang pwedeng gamitin. Hindi kailangan na perpekto ang Ingles mo, ngunit dapat ay naiintindihan ito ng magbabasa.  Ibigay mo ang pinakamahusay mong Ingles.  Kung hindi ka siguardo kung maiintindihan ba ang Ingles mo o hindi, mas mabuti na mag post ka na lamang sa local board mo or sa Beginners & Help Section.

Ito ay ang listahan ng mga local boards:

AUTOMATIC_LIST_OF_LOCAL_BOARDS (i-update pa ni Theymos sa original post niya)

Mag ingat sa mga Manloloko

Ang forum na ito ay may mga username na hindi tunay na pangalan ng mga tao na parte ng forum.  Dahil dito, nabibigyan ang mga kasapi ng forum ng sapat na kalayaan ngunit may karampatang responsibilidad, kaya marami ang manloloko at nanamantala. Kapag makikipag palitan ng serbisyo, mabuting isipin na pwede kang maloko at malinlang, kaya sapat na ingat ay kinakailangan.  Gamiting ang url=https://bitcointalk.org/index.php?topic=2439910.0]an escrow[/url] upang makita ang "trust ratings" ng mga myembro ng forum, sa tabi ng posts nila sa kanilang profile.  Kapag nagamay mo na ang kalakaran sa forum at kilala na ang mga tao na parte nito, pwede kang bumuo ng sarili mong listahan ng mga katiwaiwala.

Humingi ng Tulong

Una, gamiting ang "search" sa iyong katangungan (baka sakaling may kapareho ka at nasagot na dati pa ang iyong katanungan). Kung wala kang makita, pwede kang magtanong sa Meta section.  Kung hirap ka sa Ingles, mabuting mag punta at magtanong sa local section o mag-mensahe sa mga moderators ng iyong local section.

Kung may napansin kang posts na lumalabag sa batas ng forum, gamitin ang "report to moderator". Huwag na huwag mag-PM ng diretsahan sa moderators.
LeavingEden
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 91
Merit: 1


View Profile
September 27, 2018, 10:42:10 PM
 #2

Kaalaman muna, bago pera.

Mabuti nalang pala walang sa mga nabaggitan ko tungkol dito ay walang naniwala. Kasi talaga namang bago lang and crypto saamin at hundi ganun ka-unlad ang lugar namin iilan lng ang may alam at afford ang technology, at limitado lang ang ingles. Tyaka sa ngayon wala pa talaga akong pruweba.

Sa mga may nais mang tulungan jan, kamaganak man, kakilala o kaibigan. Siguraduhin nyo munang kaya nyong iguide at may sapat ng kaalaman tunkol sa forum and cryptocurrency bago isabak dito. Para din sa forum.

Gaya nalang ng nangyari sakin, talagang masasabi kung kulang sa guide at presensya ang mga taong naginvite at tumulong sakin para makasali dito. Masasabi ko at aminado ako na nakadag-dag ako sa mga sinasabi nilang mga shitposters or spammer na walang kwenta ang mga pinagpopost, kasi talagang pera pera lang ang alam ko noon na talagang hindi at hinding-hindi kailanman magiging tama. Pasensya na para doon, pero ngayon nagsisikap naman na ako at pinagbubuti ko ang mga bawat post na ginagawa ko.

Isipin muna natin ang forum at mga taong nandidito bago ang mga iniinvite natin kasi mas marami silang maapektuhan dito.
Maganda tumulong pero huwag puro pera lang ang isipin.
NavI_027
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1232
Merit: 186


View Profile
September 28, 2018, 01:17:48 AM
 #3

Masasabi ko at aminado ako na nakadag-dag ako sa mga sinasabi nilang mga shitposters or spammer na walang kwenta ang mga pinagpopost, kasi talagang pera pera lang ang alam ko noon na talagang hindi at hinding-hindi kailanman magiging tama. Pasensya na para doon, pero ngayon nagsisikap naman na ako at pinagbubuti ko ang mga bawat post na ginagawa ko.
The damage has been done but it doesn't mean that you can't make it right anymore. Doon pa lang sa pag amin mo na naging shitposter ka ay sobrang bilib na ako kasi ibig sabihin lang nun na hindi ka ma-pride na tao, na handa mong aminin ang pagkakamali mo. Which is right kasi wala namang masama magkamali dahil inevitable yun, ang mali ay yung binubulag ka na ng pagkakamali mo. Yung fact na patuloy mo paring ginagawa despite of the advices around you, nagiging self-centered ka na in short — Admitting that you're wrong is the first step to change.

Keep up the good attitude dude. I see that you're improving and the first merit you received will served as the proof Smiley. Just a friendly advice, further polish the grammar, spelling and use of punctuation marks whether using English language or our own language.
nngella (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 42


View Profile
October 01, 2018, 11:52:25 PM
 #4

Kaalaman muna, bago pera.

Totoo nga ito at learning experience talaga.  Ang mahalaga naman ay matuto tayo sa ating pagkakamali at makatulong din sa iba. Kaya thumbs up sayo ^^
clear cookies
Member
**
Offline Offline

Activity: 268
Merit: 24


View Profile
October 02, 2018, 12:38:54 AM
 #5

Mas nakabuti ito para as lahat ng mga myembro ng forum. Nasabi ko ito hindi dahil sa may merit na ako. Kundi ito any mas naka bubuti sa forum.
Kaya sana maging leksyon ito sa lahat ng mga violator na lumabag sa rules nitong forum.
Ika nga, ugaliing mag basa para matuto at Kung maari mas bigyan ng halaga ang pag babasa kesa sa pag popost at wag mag hangad ng kapalit sa mga nagawa mong mabuti.
Maging mabuting ihemplo sa iba, wag man lamang ng kapwa at matutong mag pakumbaba sa mas nakakataas. Isa lang ang mga yan sa natutunan ko dito sa forum na ito.
Sa ngayon talagang lamang ang iba sa kaalaman pero hindi ibig sabhin nun ay wala ka ng pag asang umangat. In fact kaya pa nating malamangan ang iba sa kanilang narating basta unawain at intindihin lang ang mga bagay bagay na makakatulong sa para sa atin.
LeavingEden
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 91
Merit: 1


View Profile
October 04, 2018, 02:35:32 AM
 #6

Masasabi ko at aminado ako na nakadag-dag ako sa mga sinasabi nilang mga shitposters or spammer na walang kwenta ang mga pinagpopost, kasi talagang pera pera lang ang alam ko noon na talagang hindi at hinding-hindi kailanman magiging tama. Pasensya na para doon, pero ngayon nagsisikap naman na ako at pinagbubuti ko ang mga bawat post na ginagawa ko.
The damage has been done but it doesn't mean that you can't make it right anymore. Doon pa lang sa pag amin mo na naging shitposter ka ay sobrang bilib na ako kasi ibig sabihin lang nun na hindi ka ma-pride na tao, na handa mong aminin ang pagkakamali mo. Which is right kasi wala namang masama magkamali dahil inevitable yun, ang mali ay yung binubulag ka na ng pagkakamali mo. Yung fact na patuloy mo paring ginagawa despite of the advices around you, nagiging self-centered ka na in short — Admitting that you're wrong is the first step to change.

Keep up the good attitude dude. I see that you're improving and the first merit you received will served as the proof Smiley. Just a friendly advice, further polish the grammar, spelling and use of punctuation marks whether using English language or our own language.

Ang unang merit ko nakuha ko lang ito kamakailan lang. Nademote din kasi ako katulad ng iba, bumalik din ako sa newbie.

Sa totoo lang ang bagong rules ang naging kumbaga eye opener saakin. Kasi naman kung wala pang nangyaring ganung bagong rules hindi pa ako magpupursigi at gumawa ng masmaayos na mga post na mas may kwenta rin basahin na hindi tulad ng dati na dahil sya rin yung topic, halos pareparehas narin yung mga post o reply. Iniiba iba nalang yung pagkakasulat, kumbaga gaya-gaya nalang.

Mas mabuti narin ang ganito ang rules para makita kung sino-sino talaga ang mga nagpupursigi at talagang nagbibigay ng importansya sa forum at willing na magbago at paunlarin ang sarili sa pag-gawa ng masmaayos at mas may sense na post.

At oo tama ka. Kasi sa totoo lang isa yan sa talagang problema ko. Kasi hindi talaga ako ganun kakomportable sa pagsusulat lalo na sa english.
Hirap man but still trying.
tobatz23
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 448
Merit: 102



View Profile
October 04, 2018, 07:45:36 AM
 #7

Kaalaman muna, bago pera.

Tama ka dyan kabayan, kaalaman muna bago pera dahil yan naman talaga ang purpose ng forum na ito ang matuto at makipagpalitan ng kaalaman tungkol sa crypto/ bitcoin, small side lang ang bounty section na habang natututo ka na at may nalalaman sa crypto ay pwede mo na gawin ito para kumita..
gandame
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 924
Merit: 505


View Profile
October 04, 2018, 10:41:33 PM
 #8

Kaalaman muna, bago pera.

Tama ka dyan kabayan, kaalaman muna bago pera dahil yan naman talaga ang purpose ng forum na ito ang matuto at makipagpalitan ng kaalaman tungkol sa crypto/ bitcoin, small side lang ang bounty section na habang natututo ka na at may nalalaman sa crypto ay pwede mo na gawin ito para kumita..
Sang ayon ako dahil importante talaga ang kaalaman kaysa sa pera dahil kung may kaalaman ka at ginamit mo ito malamang dito karin magkakapera. Okay narin itong rules na nilagay nila para d na dumami ang members. Pero nakakalungkot din kasi yong mga jr member na dati ay balik newbie.
Rushelle
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 2
Merit: 0


View Profile
October 08, 2018, 03:26:38 PM
 #9

Kaalaman muna, bago pera.

Tama ka dyan kabayan, kaalaman muna bago pera dahil yan naman talaga ang purpose ng forum na ito ang matuto at makipagpalitan ng kaalaman tungkol sa crypto/ bitcoin, small side lang ang bounty section na habang natututo ka na at may nalalaman sa crypto ay pwede mo na gawin ito para kumita..

I agree po.

as newbie po pinagaaralan ko po ang lahat tungkol sa bitcoin. kasi wala naming bagay na kikita ka na wala kang kaalaman diba? kaya sa ngayon ang ginagwa ko eh nagbabasa basa muna po ako ng mga information ng mga bawat users dito. magpupursige ako dito dahlia alam kong kikita din ako dito balang araw. kaya sa ngayon learning muna ko ngayon dito.
nngella (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 42


View Profile
October 09, 2018, 12:50:04 PM
 #10


At oo tama ka. Kasi sa totoo lang isa yan sa talagang problema ko. Kasi hindi talaga ako ganun kakomportable sa pagsusulat lalo na sa english.
Hirap man but still trying.


Sana dumami ang mga merit sources dito sa local board natin.  Sa ganitong paraan ay mas maraming makakakita ng posts natin at marami rami rin ang makapag bibigay ng merit.  Iilan pa lang ata ang merit sources na Filipino? Sana marami na sa mga kababayan natin ang mag rank-up at mag apply as merit sources.  Malaking kontribusyon iyon sa atin.
aervin11
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 602
Merit: 103



View Profile
October 14, 2018, 08:13:32 AM
 #11

This is a relevant reply for this thread at ito ang kumuha ng aking atensyon kung kaya ito ang opinyon ko.

Kaalaman muna, bago pera.

Got all the knowledge, money would follow.

Quote
Mabuti nalang pala walang sa mga nabaggitan ko tungkol dito ay walang naniwala. Kasi talaga namang bago lang and crypto saamin at hundi ganun ka-unlad ang lugar namin iilan lng ang may alam at afford ang technology, at limitado lang ang ingles. Tyaka sa ngayon wala pa talaga akong pruweba.

Sa totoo lang hindi nakakabuti na walang naniwala sa iyo, sabihin na nating mahirap nga ang humanap ng pera dito pero alam ko na batid mo na ito na ang hinaharap. Nag bigay ka ng awareness, sapat na iyon and I congratulate you for that.

Quote
Sa mga may nais mang tulungan jan, kamaganak man, kakilala o kaibigan. Siguraduhin nyo munang kaya nyong iguide at may sapat ng kaalaman tunkol sa forum and cryptocurrency bago isabak dito. Para din sa forum.

Hindi mo sila kailangang i guide  Grin Siguro naman ay sapat ang kaalaman ng tao para matuto sa sarili niyang paraan para rin sa pansarili nyang kapakanan. At sa tingin ko din ay hindi mo na iyon responsibilidad.

Quote
Gaya nalang ng nangyari sakin, talagang masasabi kung kulang sa guide at presensya ang mga taong naginvite at tumulong sakin para makasali dito.

Chill, wag mong ibaling ang iyong kakulangan sa iba, lalo na doon sa nag imbita o tumulong sa iyo. Pag binigyan ka ng tinapay, ikaw na ang bahala sa kape. Sana ay iyong maunawaan ang aking nais ipahiwatig. Hindi naman sa hindi kita naiintindihan pero sa tingin ko ay blessed ka na na nalaman mo ang ang crypto at masasabi kong iilan palang tayo dito sa pinas kaya napakalaking advantage na iyon.

Quote
Masasabi ko at aminado ako na nakadag-dag ako sa mga sinasabi nilang mga shitposters or spammer na walang kwenta ang mga pinagpopost, kasi talagang pera pera lang ang alam ko noon na talagang hindi at hinding-hindi kailanman magiging tama. Pasensya na para doon, pero ngayon nagsisikap naman na ako at pinagbubuti ko ang mga bawat post na ginagawa ko.

Umamin sa mga pagkakamali at pinipilit na itama ito, handsdown ako sa iyo dito



GDragon
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 126



View Profile
October 15, 2018, 01:31:33 AM
 #12

Gusto ko ding itong idagdag I hope makatulong Smiley

Kapansin pansin na maraming Filipino ang paulit ulit ang katanungan patungkol sa forum na ito. Nandito ako upang wakasan o bawasan man lang ang nangyayaring sakuna dito sa local board dahil alam naman natin na nagreresulta ito ng sandamakmak na bagong topic. Ito din ay magsisilbing gabay upang mas matuto ang ating kababayan pagdating sa tamang pagkilos sa ating komunidad.

Kung may nakita kayong pagkakamali ko, mabutihing itama ako maraming salamat.




CONTENTS:


Paano ako makakakuha ng merit?

Sino ang nabibigay ng merit?

Saan ko makikita kung ilang merit meron ako?

Bakit hindi lumalabas ang larawan sa mga thread?

Bakit hindi ako pinapayagang mag upload ng avatar?

Tulong! Nahack ang account ko!

Bakit tinantangal ng moderator ang aking post/thread?

Nakakuha ako ng negative trust! Ano ang gagawin ko?

Paano makakakuha ng DefaultTrust?

Paano ako makakakuha ng Trust?

Maaari mo bang Ilock ang aking thread?

Maari mo bang tanggalin ang aking thread/post?

Kailan kaya ako magrarank up?

Kung ang aking rank ay batay sa aking activity? Paano ako makakakuha ng activity?

Ano ang BBCode/Paano isagawa ang URL/image/etc?

Bakit ko kailangang maghintay sa pagitan ng mga post?

Maaari ba akong magkaroon ng ilang libreng bitcoin?

Paano ako magiging Donator/VIP?

Pwede ba akong magpost ng referral link?

Pwede ba akong maglagay ng ad sa aking thread/post?

Pwede pa ba akong gumawa ng bagong account kahit nabanned na ako dati?

Paano magreport ng post?

Meron ba ang forum ng security bounties?

Ano ang itinuturing bilang spam?

Sino ang nagpapatakbo ng Bitcointalk?

Maaari ba akong ma-unbanned?

Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?

Pwede ba akong bumili o magbenta ng Bitcointalk accounts?


The most common questions regarding Bitcointalk - An FAQ

Q -Paano ako makakakuha ng merit?


A - Ito ang pinaka-kadalasang tanong na nakikita ko so para maspaiksiin ang detalye, makakakuha ka ng merit sa tulong ng iyong nabahaging kaalaman sa amin o pwede ding ambag sa ikakaayos o ikakaganda na ating forum.


Q – Sino ang nagbibigay ng merit?


A - Meron tayong tinatawag na “merit sources” na nagbibigay ng merit sa mga may kalidad na likha.  At sa pagbibigay pa ng kaalaman, hindi lang ang merit sources ang pwedeng magbigay ng merit kundi pati nadin ang mga meron nito o nabiyayaan din. Sa makatuwid lahat tayo ay pwedeng makapagbigay ng merit kung may sapat tayong s-merit.


Q – Saan ko makikita kung ilang merit meron ako?


A - Makikita mo ito sa iyong profile summary at kung gusto mo mo pang malaman kung saan nanggaling ang merit mo within 120 days time frame, makikita mo ito sa pagpindot ng “Merit:”.


Q - Bakit hindi lumalabas ang larawan sa mga thread?


A - Kung ikaw ay newbie pa lamang, wala ka pang kakayahan maglagay ng image. Ito ay ginagawa upang maiwasan ang pag abuso lalo na dahil sa mga spammer. Pwede ka ng gumamit ng image once naging jr.member kana.


Q - Bakit hindi ako pinapayagang mag upload ng avatar?


A - Kung ikaw ay masmababa sa rank na Full member, hindi ka maaaring mag upload ng avatar. Tinutulungan din nito pigilan ang mga spammer at kung iyong papansinin ito ay nagsisilbi ding uri ng paggalang.  


Q - Tulong! Nahack ang account ko!


A - Sumangguni sa thread na ito ni theymos. Maaari itong magtagal, gayunpaman - kailangan mong maging responsable para sa iyong sariling seguridad ng account. Ito ay isang malaking forum na may mga limitadong administrators at kailangan mong mapatunayan na pagmamay-ari mo ang account - halimbawa, na may naka-sign na mensahe. Huwag mong asahan na ito ay aabutin lamang ng ilang minuto at huwag na huwag kang magspam ng paulit ulit na gantong thread kung ito ay tumagal. Matutong maghintay.


Q - Bakit tinantangal ng moderator ang aking post/thread?


A - Ang mga moderator ay may sapat na dahilan kung bakit ang iyong thread ay natatanggal, maliit din ang chance na magkamali sila sa kanilang mga hakbang pagdating sa usaping ito. Inirerekomenda ko na basahin mo ito : https://bitcointalk.org/index.php?topic=703657.0.  Tsaka ang pinaka-karaniwang dahilan kung bakit nabubura ang post/thead mo ay dahil sa tingin nila ito ay mababang kalidad na likha.
   

Q - Nakakuha ako ng negative trust! Ano ang gagawin ko?


A - Para sa akin ang magagawa mo na lamang ay tanggapin ito himbis na magalit ka sa nagbigay neto sayo at masmapasama ka pa lalo. Kung may pag aalinlanangan ko kung bakit ka nagkaroon ng negative trust pwede kang sumangguni sa taong ito at ipaliwanag ang sarili sa maayos na pakikipag usap. Kung sa tingin mo ay inaabuse nila ang kanilang kapangyarihan at sinubukan mo na ding kausapin sila, pwede kang gumawa ng thread sa meta patungkol sa iyong reklamo.


Q – Paano ako makakakuha ng DefaultTrust?


A - Leave good and valid trust ratings and eventually someone will likely notice you. That's the main way.


Q – Paano ako makakakuha ng trust?


A - I assume that if you're talking about this you will be trading. In which case...just trade. Over time you'll accumulate trust. Never ask for it and don't get annoyed if you don't receive it. It will come, don't worry. If you try to farm trust, the only type of trust you will likely receive is negative trust, however.


Q – Maaari mo bang ilock ang aking thread?


A - Maaari mo naming ilock ang sarili mong thread


Q – Maaari mo bang tanggaling ang aking thread/post?


A - Kung wala pang nakakakita ng iyong thread, pwede mo itong tanggalin gamit ang delete button


Q – Paano ako mag rarank up?


A - Refer to this thread.


Q – Kung ang aking rank ay base sa activity, paano ako makakakuha ng activity?


A - Ieexplain ko to sa pinakasimpleng paraan na alam kong maiintindihan nyo. Masasabi mo na ang post = activity pero may limit lang kada 2 weeks ang activity na nacrecredit.  14 activity per 2 weeks lang ang nacecredit bilang activity kaya kahit daan daan pa ang post mo kada araw kailangan mo pading maghintay. Bali ganto ang concept para sa pagcredit ng post. 14 post = 14 activity = 2 weeks.


Q – Ano ang BBCode/Paano isagawa ang URL/image/etc?


A - BBCode is the most common way to format text on forums, by using tags enclosed in square brackets. Here are the most common tags:

Code:
[URL={url}]text[/URL]
[IMG]{imageLink}[/IMG]
[b]text[/b] > bold
[i]text[/i] > italicisation
[u]text[/u] > underline
[s]text[/s] > strikethrough
[color={hexCode} OR {colorName}]text[/color]


Q – Bakit kailangan kong maghintay sa pagitan ng mga post?


A - Upang maiwasan ang spam mula sa mga bagong account. Magsisimula ka sa 360 seconds na paghihintay sa simula at ito ay bumaba kapag ikaw ay nakakakuha ng activity. Kung curious ka talaga ito ang link ng algorithm:

Code:
waittime = 360;
if(activity >= 15)
        waittime = (int)(90 - activity);
if(activity >= 60)
        waittime=(int)(34.7586 - (0.0793103 * activity));
if(activity >= 100)
        waittime = max((int)(14-(activity/50)), 4);


Q – Maaari ba akong magkaroon ng ilang libreng bitcoin?


A - Sorry pero hindi. Lalong hindi din pwede din ang magmakaaawa para lang makakuha nito dahil ito ay nakapang iinis lamang. Kung gusto mong magkaroon nyan pagtrabuhan mo. Ang isa sa mga pwede mong gawin na trabaho ay bitcoin faucets.


Q – Paano ako magiging Donator/VIP?


A - Refer to this page.  Babala, ito ay mahal, pero ang presyo simula pa lamang dati ay hindi na nagbabago para maiwasan ang pagbawas ng halaga ng mga naunang nagdonate.


Q – Pwede ba akong magpost ng  referral link?


A - Ito ay  bawal pero may mga exception pagdating dito dahil pwede ka maglagay ng referral link sa loob na iyong likha: dapat ang post mo ay magandang kalidad.


Q – Pwede ba akong maglagay ng ad sa aking thread/post?


A - Ang sagot ay hindi.


Q - Pwede pa ba akong gumawa ng bagong account kahit nabanned na ako dati?


A - Maipapahintulutan ka lang magpost sa meta para magpost patungkol sa iyong hinaing. Ang mag post sa iba ay masasabing paglabag at mas lalala ang hatol at masasabi kong mababan din pati ang bago mong account.


Q – Paano magreport ng post?


A - Kung talaga sya ay lumabag sa rule, pwede mo syang ireport sa tulong ng pagpindot ng “Report to Moderator” at magbibigay ka ng dahilan.


Q – Meron ba ang forum ng security bounties?


A - Magpunta sa thread nato.


Q – Paano naituturing bilang spam?


A -  Ito ay maituturing na spam kung ang likha mo ay walang ambag o sabihin nadin nating walang kwenta. Isa ding kadalasang dahilan ay ang pagiging offtopic na reply.


Q – Sino ang nagpapatakbo ng Bitcointalk?


A - Theymos ay ang Head Administrator, ganunpaman meron di syang mga mahahalagang staff member tulad ni administrator BadBear


Q - Maaari ba akong ma-unbanned?


A - Kung sa tingin mo ay naban ang account ng walang sapat nakadahilanan ( mabutihing icheck ang rules ng maayos) at kung naniniwala ka talaga pwede kang gumawa ng bagonga account at magpost sa meta patungkol sa iyong account. Kung sa sa tingin mo ay totoong hindi tama ang pagban ng account mo, masmabutihing maghintay nalang. Mas makakabuti din kung mag iiwan ka ng mensahe sa concern mo kay admin “BadBear”.


Q - Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?


A - Kadalasan talaga ito ay paglabag ng rules kahit di mo napapansin. Ang staff ang may kakayahan para makita kung ang post mo ay masasabi ba talaga spam o hindi. Kung sa tingin nila spam yun then ganun talaga ang buhay


Q - Pwede ba akong bumili o magbenta ng Bitcointalk accounts?


A - Oo pwede mo itong gawin.



NOTE: KUNG MERON PA KAYONG GUSTONG IPABAGO O IPADAGDAG IREPLY NYO LANG PARA MAUPDATE KO ITO. MULI MARAMING SALAMAT!


Source:DiamondCardz, iansenko  




Isa yang likha ko na natabunan na, at alam kong marami namang matutulungang mga baguhan 😉
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!