Ang pinakamagandang gawin ay pag-aralang mabuti ang sistema dito sa forum. Basahin ang mga rules and regulations para wala kang masagasaan which will lead to a smoother journey here. Mag-ambag ng mga ideya na makatutulong dito sa forum at sa ibang miyembro para makakuha ng merits and then rank up, eventually. Pero bear in mind na hindi lang dapat ang kumita ang priority mo dito. Ang matuto ang mas magandang pagtuunan ng pansin. Ako nga na Senior Member ay madami pang dapat malaman, at aminado ako dun. Hindi naman kasi tayo magiging expert agad overnight. Tyagaan lang din talaga. At tiwala sa sarili na mas magi-improve ka pa paglipas ng panahon. Always be willing to learn. Yun lang.