Base po lamang ito sa aking sariling TA na kapag hindi nag pullback sa $9k hangang mamayang madaling araw ang price ni bitcoin yari na deretso ito sa $7550 na support sakto ito sa TA ko noong nakaraang linggo, pero malay natin baka biglang itong magpullback at muling mag pump ang presyo nito.
Medyo nakahinga ng konti bro, above $8k na tayo sa ngayon sa baka hindi tayo mag pull back as $7550. Although marami sa tin nag papanic pag bumubulusok pababa at least may chance yung iba na makabili kahit pa unti unti ng
BTC sa mababang presyo. So tingnan natin, critical na naman tong mga susunod na araw kung kayang i maintain above $8k or makakakita na naman tayo ng pagbagsak. Siguro kalimutan na muna natin ang Bakkt sa ngayon, kung ito ang dahilan ng pagbagsak ng presyo wala na tayo magagawa sa ngayon nandiyan na yan eh.