Hindi ako apple user pero ang tindi nitong mga scammer at hacker na ito, lahat nalang talaga ng info ninanakaw at mukhang malaki ang kitaan nila diyan. Although hindi naman na bago yung trick na ginagawa nila katulad ng mga narereceive nating mga phishing texts, mas mainam na huwag na huwag i-click yung mga links na galing sa mga random texts at doon tayo pinapapunta. Kasi once na nandun na tayo at parang desperado tayo, yun din naman ang atake nila. Kaya mag vigilant lang at mag ingat kahit na wala yung iphone niyo, huwag basta basta maniwala sa mga ganyang texts.
Sa phishing text hindi naman bago, pero yung atake nila bago talaga. Lalo na kung parang desperado ka na nawawala ang Iphone mo dahil nandun mga contacts mo or may nakalagay na importanteng data or mga pictures na may memory sa yo.
Tapos makaka tanggap ka ng ganitong text na sinasabing na nakita ang Iphone mo at talagang mapapa lundag ka siguro sa tuwa.
At ibibigay mo lahat ng impormasyon mo tapos yun pala huli na nang magising ka sa katototohanan na na-phish ka na pala.