Maganda ang dulot ng mga ganitong laro sa crypto space, unang una, namumulat ang mga tao sa logo ng bitcoin at sa konsepto nito, ang magiging resulta, magiging curious sila kung ano ba ang bitcoin, samahan mo pa ng posibilidad na mag bigay ang mga games ng free cryptocurrency in the future, malamang marami ang tumangkilik ng mga larong katulad nito lalo na kung may kikitain sila dito. Maaaring isang magandang advertisement din na mag karoon ng prize na crypto habang nag lalaro ka ngunit ang downside nito, kung wala na ang prize, marahil hindi na mag lalaro ang mga tao. Kaya para sa akin, magandang i-incorporate ang cryptocurrency para maging currency sa laro mismo, pambili ng items, upgrades at iba pa.
Kudos kabayan, medyo nagkakaroon ako ng idea sa magandang game na idevelop in the future.
Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng kaalaman ang mga tao na ang cryptocurrency ay nag eexist at nagagamit sa iba't ibang bagay, ito ay convenient at less hassle gamitin. Maaari itong magbigay ng impluwensiya sa pag iisip ng tao patungkol sa cryptocurrency, mas magiging open sila lalo na't alam naman natin na maraming tao ang interesado sa mga bagay na entertaining gaya ng mga laro kaya malaki yung chance na mahikayat sila.