Minsan nga nagiisip ako na alisin na lang sa binance mga coin na tinitrade ko, dahil nga wala ka talagang kasiguraduhan anytime pwede mahack o magkaroon ng problema itong mga exchange na ito, misan tuloy mapapaisip ka na lang na totoo bang nahack o drama lang nila para maitakbo mga asset ng traders nila.
I think Binance is fine for trading. I suggest lang na kung pupwede, gabi gabi mo iwithdraw ung funds mo para sigurado(depending kung magkano ung perang tinatrade mo, dahil may withdrawal fees). Or alternatively, iiwan mo lang talaga sa exchanges ung actively traded funds mo. kung may pursyentong hindi nagagalaw, withdraw mo nalang agad un.
I think yun na yung napakagandang paraan upang maiwasan ang maaaring pagkawala ng iyong funds due sa biglaang pagsara ng exchange. Pero ang downside ay maaaring magkamali ka sa pag fill ng BTC address since meron ngayong copy/paste virus na kung saan ay maaaring ma paste mo ang BTC address ng hacker instead na yung sayo. kaya ugaliing mag double check upang maiwasan din ang mga ganitong sakuna.
Talagang vulnerable and ating account transactions kapag may virus or malware na ginagamit ang hacker upang ma trap ka sa kanilang diversions. Kaya ang ma i recommend ko lang ay gumamit ng matibay na antivirus gaya ng windows defender, kapag windows 10 ang iyong PC. May regular updates kasi at strict ang definitions neto sa mga viruses.
Dapat lang talaga wag mag store ng funds sa exchange na iyong nabibilangan, para maiwasan ang ganitong mga di anaasahan na pangyayari. Gumamit ng metamask wallet para sigurado ka sa safety neto after ma withdraw galing sa exchange site.