It seems like sa email na ito at nakakuha na ng data ang mga scammer kung kanino nila isesend or maybe senesend lang nila ito sa lahat ng data nilang email.
Medjo convincing nga itong email nila at kung hindi ka magiging maingat maari kang mahulog sa phising na ito ang makuha ang laman ng credits cards mo, madali naman nating makikita yong nagsend ng email and kitang kita na suspicious talaga itong sender from that dapat icheck na agad ang netflix account kung nagkakaroon nga ba ng issue.
Medjo kalat din siguro dito sa Pilipinas ang murang netflix
na hindi direct sa netflix ang payment kaya halata na rin siguro agad kung may biglang may email ng ganito.
Sa palagay ko nag leaked yung mga email na gamit nila sa netflix kasi kung yung hacker ay nanghuhula lang ng mga email malamang wala silang malalambat.
Dapat talaga lagi tayong mabusisi at alerto kapag kailangan natin ilagay yung mga importanteng bagay katulad nito. Ang target kasi ng mga nag Phising ay lituhin ang ating mata, na kung saan nagdadag lang sila ng mga blind o maliliit na character katulad ng space, tuldok, kudlit, homoglyph na mga characters at pag iiba lang ng mga spelling para magmukha talaga na kagaya siya ng orihinal na url address. Kaya ang akala natin na yung pinuntahan nating website ay yun ang tunay yun pala nabiktima na tayo ng phising. At target din nila yung emosyon natin kumbaga mag ko compose sila ng mga message na mapapa worry yung magbabasa kaya imbes na etsek muna yung URL ay clicked na agad.
Oo kalat na din yung mga murang netflix accounts kaya lang parang illegal din yun kasi yung iba netflix carding yata ginagawa nila dyan.