Nabasa ko yan sa isang fb page at hindi ako aware na ganyan pala ginawa niya. Kaya nag research din ako kahit papano kasi pinost din mismo ng page nila. Nagulat ako kasi nga lodi ang tingin ko diyan at CEO pa kung hindi ako nagkakamali tapos ayun pala, may ganyang kalokohan.
Kaya ngayon yung mga trading guru, hindi na ako naniniwala pa kasi sa mga courses lang naman talaga sila kumikita. Goods pa rin naman investa may mga tao lang talagang nagte-take advantage ng mga taong walang alam sa investments.
kaya kailangan talaga ng mga pinoy ang financial awareness pati na rin education, yung iba kasi sumasali sa mga seminars at courses para matuto at susubukan nilang iapply yung natutunan nila for themselves. wala naman akong kaso sa ganyan
SANA kasi mabuti na nga yung ganyan dahil natututo mga kababayan natin, ang problema lang ay kung hindi man sila piniperahan, tinitake advantage naman yung naivety nila. Ang masaklap pa is kapwa pinoy at usually harap harapan na silang nanloloko ng tao. Sino ba naman ang hindi gustong kumita diba? pero parang buhay ka pa pero sinusunog na kaluluwa mo kapag ganyan.