mahirap din kasi yung gagamit ka nang maraming email address parang hustle din yun sa pag lologing logout pwera lang kung dami mong gadget. nasa pag iingat lang talaga kung paano natin gamitin yung email natin dagdag nalang tayo nang mga securities buti meron na dyang authy para kahit access man nila kailangan mo parin nang authenticator para mabuksan mo ito or ma confirm yung email...
Pwede naman na madaming email ang nakalogin sa isang device. Doon sa gmail app (android gamit ko) pindot mo lang yung bilog top right side at mag pop down lahat ng emails mo na nakalogin.Ang gagawin lang ay eselect lang kung aling email ang gusto mong buksan no need na ilogout.
Tama, ganun ginagawa ko. Madali naman sya dahil ilang pindot lang din at hindi naman nakakalito yung navigation. Maganda rin na may main email ka na naka connect sa lahat ng email mo para ma notify ka if may nagtatry ba na buksan ang kahit anong email account more. Lastly, gamitin ang security authentication na magsesend ng otp sa number mo or may lalabas na number sa phone mo para ma verify if ikaw ba yung nag lologin.
Ganyan din ang ginagawa ko, switch switch na lang. Sa dami rin kasing sinubukan kong mga games at mga websites na need ng email registration, gumagawa na lang ako ng bagomg email account each at inaad ko na lang sa account manager feature ng mobile phone. Mas madali rin malaman ang update dahil nga gaya ng sinabi ay lipat email access lang then dun ka na sa gusto mong email address na tingnan, ganito rin ginagawa ko sa pc.
Same here ganyan din diskarte ko, lipat-lipat na lang kung ano ang gusto ko gamitin, hindi naman hassle. Pero yung email ko na para sa mga importanteng bagay hindi ko sinasama sa list ng naka log in. For privacy kasi yung mga anak ko minsan ginagamit din tong phone ko at iwas na rin incase mawala ang phone (advance lang ako mag-isip hehe).
Yung mga hacker/scammer ngayon matatalino na din. So wala naman masama kung mag iingat para maiwasan na maging biktima. Sa huli naman eh nasa atin pa rin ang desisyon kung pano natin ingatan ang ating account.