Oo ganyan na nga yung partikular na common airdrops ngayon yung gamitin muna ang platform na kanilang pinopromote. At siempre pag gagamitin nga naman natin ito ay obligado din tayong magpasok ng pera small o large amount man ito, depende sa tiwala na ating ibibigay.
Kaya nga yung airdrops na ganito na ang sistema ay para sa akin ay magandang tactics, kasi nagkakaroon ng exploration sa kanilang platform narin. Yun lang ang cons siempre andun parin dahil sa ngayon ay hindi natin matutukoy kung may pa airdrops nga ba, sapagkat huhulaan natin kung magpapa-airdrops ba ito o hindi. Kaya gamitan ng talino din dito bilang participants sa totoo lang din naman.
Oo nga mas naging kumplikado na ngayon, tamang diskarte na lang din talaga ang labanan dahiil hindi naman agad-agad malalaman kung alin ang legit at hindi. Meron din naman sa umpisa lang mukhang may potensyal at promising pero sa bandang huli rug pull and exit scam din pala.
Kaya kung may duda, mas mabuti na rin na mag research muna tayo tungkol sa platform at sa mga taong nasa likod nito. Tignan natin kung may mga naunang successful projects na sila o kung may magandang track record sila sa crypto space.
Oo tama ka din dyan, ang daming potential airdrops na hanggang mukha lang may pa airdrops pero sa huli wala pala, in short, paasa lang. Yung iba sobrang tagal bago magpa-airdrops tapos yung mga nagexpect ng mataas sa magpapa-airdrops sa mga seekers ng airdrops ay madidismaya lang din pala din sa huli dahil sa hindi sila qualified bilang maging participants.
At isa na dyan yung ngyari na recently lang ay nagdeclared ang zksync pero ang daming mga gumamit ng platform nila na disppointed na rejected sa pagiging qualifier na participants na hindi nila maintindihan kung bakit hindi sila napasama sa mga participants.