Kahit saang Robinson supermarket yan dude pwede kang makakuha ng debit card ng Gotyme, kasi ako dito ako sa rizal province nakakuha ako ng gotyme debit card nila sa supermarket mismo, nalaman ko lang naman yan sa kapitbahay ko na nagtatrabaho sa robinson supermarket, at sinabi lang naman sa akin na kahit san naman daw na supermarket na meron sila basta tanung ka lang sa customer service nila.
Sinunod ko lang yung sinabi sa akin at yun nga totoo yung sinabi nila na free lang daw siya talaga, at sinabihan pa nga ako na samantalahin ko na raw baka dumating ang araw na hindi na maging libre ang debit card in which is pwede nga naman talagang mangyari. Subukan mong pumunta sa malapit dyan sa inyo, sayang din dude.
Legit ito. Yan din kasi gamit ng mga magulang ko na debit card since nakaka withdraw sila at nakakakuha ng points kapag ginagamit yung card nila.
Nagulat dn ako na may savings dn pala ito which is 3.5% per annum. Medyo mababa ito compared sa other bank pero pwede na dn dahil sa reward points.
Libre lng namn yung card kaya walang downside ng paggamit. Much better sa gcash or maya card.
Actually halos lahat ng Digital banks ngayon nagbabaan, Maya pa din ata ang pinakamataas afaik if gagawin mo yung mga tasks aabot ng 15% pero the rest mababa. If habol mo is interest talaga, mas okay sa Maya pero if pointing system, savings and pwedeng magamit internationally lalo na kapag nag-tatravel ka, Gotyme talaga. Gamit na gamit 'to if ang usual grocery mo is Robinson Supermarket or shopwise, multiplied kasi yung points 'non so if ever weekly ka naggrogrocery, beneficial ito sayo. Pero may recent issues din Maya, kaya the best solution is diversify always, wag iisang digital bank. Sabi ng iba preferred lang nila is Maya, pero ayon kapag nagka-aberya, wala na. Dami daw inside job sa Maya pero who knows, if ganyang maraming report na maraming nawawalan ng pera, edi ingat at diversify ang sagot kaya napadpad yung karamihan sa Gotyme.