Usually sa last quarter ng taon, bullish ang market diba? Pero this year parang iba.
After ng rebound ng Bitcoin, unti-unti na naman siyang bumababa, nasa $104k na lang ngayon.
Medyo curious ako, sino pa sa inyo naniniwala na aabot pa tayo ng ATH bago matapos ang taon?
O baka naman bumagsak pa ulit below $100k?
Anong basa nyo dito mga kabayan.... correction lang ba ‘to o simula na ng mas malalim na dump?
Bago magend ang taon palaging pababa ang crypto, mostly kasi sa tingin ko ngpreprepare sila for the holidays, at the same time chinese new year, palaging ganyan nangyayare, pagkatapos ng january start ulit onte onte magaccumulate, ito ay according lang sa mga naranasan ko, maaring iba ang mga naexperience natin pero second at third quarter lage ang paakyat pababa naman ang papasok ng december.
Ito ay opinyon ko lang at sa experience mga boss ah, last 2021 same din ang nangyare around april-may onte onte umakyat, then June July nagppeak, pagpasok ng november pababa na.
Pwde ninyo silipin ang trend ng bitcoin sa coinmarketcap, ganun mostly trend nya.