Inihahandog ng The Hashgraph Group, isang Swiss-based na kumpanya ng Web3 technology at engineering na nagpapatakbo sa loob ng Hedera ecosystem, ang isang strategic framework collaboration agreement sa Department of Science and Technology (DOST) ng Pilipinas. Ang DOST ang executive department ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagko-coordinate ng siyensya, teknolohiya, at mga pagsisikap para suportahan ang pambansang ekonomiya upang umunlad.
Bilang bahagi ng opisyal na pagpirma, kabilang ang bisita ng delegasyon sa pamahalaan ng Pilipinas sa Swiss headquarters ng The Hashgraph Group, ipinakita ng kumpanya ang mga Web3 products at solusyon nito, kasama na ang isang demo ng Hedera-powered carbon bank na ginawa para sa mga enterprise at institusyon ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng strategic partnership na ito, ang DOST at The Hashgraph Group ay magtatangkang bigyan ng kapangyarihan ang mga komunidad, akademikong institusyon, at industriya sa Pilipinas gamit ang Hedera-powered solutions at applications.
Ayon sa balita, Ang partnership na ito sa pagitan ng DOST at The Hashgraph Group sila ay bumuo ng commitment upang dalhin ang digital innovation sa bawat rehiyon ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa Web3 at Hedera-powered solutions at sa pagitan ng mga regional office, pinapangyarihan ang mga komunidad, unibersidad, at industriya na lumahok sa global digital economy.
Hindi lang ito para sa Metro Manila. Maraming rehiyon ng DOST ang kasama tulad ng:
NCR
Cordillera
Central Luzon
Western Visayas
Eastern Visayas
Davao
Ibig sabihin, nationwide ang rollout at hindi lang pilot program
Ang DOST ay kumikilos para gawing Web3-enabled ang bansa, gamit ang partnership sa Hedera ecosystem firm at sa pamamagitan ng multi-chain approach. Layunin nitong pataasin ang innovation, magbigay ng bagong oportunidad, at magtayo ng mga makabagong sistema na pwedeng gamitin sa gobyerno, edukasyon, sustainability, at negosyo.
Source:
https://bitpinas.com/business/dost-hedera-hashgraph https://uptech-media.com/philippines-dost-taps-hashgraph-group-to-advance-web3-innovation-nationwide