Buti ka pa boss meron ka nang naipon na tig iisang 1 BTC para sa mga anak mo at mga lupa.
Ako ngayun ginagamit ko parin ang tabi ko sa trading at pinalalago ko pa medyo malayo pa saakin abutin ang 1 BTC. Hanggang ngayun yan parin ang plano ko abutin at syempre para na rin sa mga anak in the future.
Baka meron ka namang maishare jan na tips kung paano ka naka buo ng isang BTC?
Karamihan sa mga nagsasuggest is do DCA, mainam kung walang malaking fund at ready for a long term investment. Paunti-unti nadadagdagan ang BTC, simply participating sa signature campaign can help us realize iyong pag-iipon ng BTC, basta wag lang tayo gagaya sa mga" medyo may kapilyuhang" mga kalokal natin na napabalitang nageexploit ng mga signature campaign.
Oo, DCA lang talaga para sa ting mga maliliit na investor. Siguro tong mga bonus at 13th month mainam na rin ilagak sa Bitcoin para sa long term investment. Kakaiba talaga tong Bitcoin para sa tin eh natuto tayo mag ipon at talaga kung paano tiyagain lahat hindi lang para sa tin at para rin sa mga mga anak.
At isa pang natutunan ko dito eh yung tinatawagan nilang "delayed gratification", kapapanood ko dun kay Pareng Haybe

. Yung mga bumibili sa kanya ng mga mamahaling relo pero nag tiyaga silang mag-ipon dahil yun ang "pangarap" nila.
Kaya kung pangarap natin ang makapag ipon ng 1
BTC, pwede nating simula na ngayon dahil ang mura nito o talagang mag DCA tayo hanggang kaya natin.