Pano sinesetup to boss clickerz any guide sa mga newbie ngayon ko lng nabasa to ha, andaya kasi sa yobit pagbibili ka ang mahal pero pagbenta mo sobrang mura na pano ba set up nun? para nman hindi puro palugi ung trading experience nmin hehehe.
sa lahat na trading ganyan naman yan... di ba sa baba may SELL ORDER at BUY ORDER?
Ibig sabihin sa SELL ORDER ,binibenta nya yan. mataas na Price yan kaya kung di ka naman nagmamadali bumili wag kang bibili.
Sa kabila naman ay BUY ORDER, ibig sabihin bibili sila,kaya kung may ibibenta ka,pwede mo ibenta sa kanila.
=====
Ngayon, pag isipan mo kung BIBILI KA O MAGBENTA.
Kung BIBILI KA....
Kung bibili ka doon ka sa BUY na box.Siyempre ang ginagawa natin,tinitingnan natin ang SELL ORDER sa baba para makabili kaagad.Ang SELL ORDER mataas yan kumpara sa BUY ORDER sa kabila
Mali yon kung di ka naman nagmamadali, doon ka tingin sa lower right sa BUY ORDER.Kung ang presyo doon sa BUY ORDER halimbawa 100 dagdagan mo lang kaunti halimbawa 110 ang presyo sa BUY box at ilagay mo kung ilang coin.Pag OK mo doon sya sa lower right magdisplay.Kung may nagbebenta at makita na medyo mataas offer mo,bentahan ka nila..so nakuha mo ng mura. Minsan hinahabol ng ibang trader presyo mo, halimbawa taasan nila ng 10 ulit maging 120 na oofer sa baba, pwede mo din habulin hehe basta maibenta mo sa kabila sa SELL ORDER ng mataas
Kung MAGBENTA ka...
Same lang din, sa SELL box,tingnan mo ang SELL ORDER sa lower left, at bawasan mo kaunti para ikaw naman sa top na nagbebenta ;)iyempre kung may bibili,iakw una sa listahan na nagbeeneta at bilhin nila.Sasapawan ka rin ng ibang trader kaya habulan kayo pababaan naman dyan hehe
Kung walang bumibili sa SELL ORDER mo ok lang hayaan mo lang ng ilang oras, promotr promote ka doon sa chatbox ng coins mo baka may bibili hehe