Bitcoin Forum
October 23, 2017, 07:17:24 PM *
News: Latest stable version of Bitcoin Core: 0.15.0.1  [Torrent]. (New!)
 
   Home   Help Search Donate Login Register  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: [PRE-ANN] DayLight: for central banks, governments & people. Search beta testers  (Read 303 times)
roncar
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 182


Pesobit, Simple Yet Useful Coin


View Profile
September 08, 2016, 04:54:07 AM
 #1



Ang DayLight ay pang pinag-isang pandaigdigang blockchain platform na nag-papatupad ng apat na simpleng katungkulan na kinakailangan para sa mabisang pag lipat ng karamihang tipo ng aktibidades ng gobyerno at negosyo sa blockchain technology. Ang apat na tungkulin nito ay: (1) sistema pang-pinansyal, (2) pag-rehistro ng mga balangkas, (3) smart contract algorithm at (4) mekanismo sa pag-likha at pag-papatupad ng mga smart laws. Ang sistemang pang pinansyal ang nangangalaga sa mga transaksyon (sa pananalapi ng isang bansa) sa pagitan ng mga accoount ng mga indibidwal at organisasyon, na ire-rehistro sa loob ng blockchain.Ang Smart contracts ay kusang nagpapatupad ng transaksyong algoritmo at pagsama ng mga bagay na naka rehistro at pag-kakaroon ng posibilidad na isagawa ang transaksyon sa pananalaping fiat. Ang Smart laws ay electronic algorithm na nag-lalarawan ng mga alituntunin at kondisyon sa pag-papatupad ng mga batas, na pinag-titbay ng mga dihital na lagda ng mga kinatawan ng lehislatura
Ang Smart laws ang nag-sasaayos ng paglikha at pag-papatupad ng mga smart contracts at kusang nag-sasaayos ng relasyon sa pagitan ng indibidwal at organisasyon sa lahat ng dako ng aktibidad ng gobyerno, mula sa pag rehistrong sibil hanggang sa pag daragdag ng subsidiya at pensyon ng estado.

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga sistemang pang pinansyal, pag-rehistro ng mga balangkas, smart contract at mekanismo ng smart law sa isang blockchain platform, Ang Daylight ay mag sisilbing mahusay na kagamitan para sa gobyerno, negosyo at mga tao, na magagamit sa pangangasiwa ng anumang aktibidad. Tinatanggal nito ang pangangailangan ng iba't-ibang taga-pamagitan, namamahala, at pagkilos ng dokumento.

Ang mga bangko at gobyerno ng maraming bansa ay nag-sismulang maunawan ang kalikasan ng teknolohiyang Blockchain. Ang mga kinatawan na ito ay bukas sa anumang mungkahi. Marami sakanila ay naka aalam na bilyon ang maaring matipid sa teknolohiyang Blockchain.

Quote
Ang unang tungkulin ng gobyerno ay suportahan ang pag-sulong ng distributed ledgers upang ito ay magkaroon ng malinaw na layunin  kung paano ang teknolohiya ay makapag papabuti sa paraan ng pag nenegosyo at paghahatid ng serbisyo sa mamamayan ng gobyerno. Ito ay kinakailangan na sundin ng gobyerno upang umakto bilang eksperto sa pagpapatupad ng teknolohiya — mangalap ng solusyon sa distributed ledger kung saan ito mapapakinabangan. Sa ganitong paraan, ma susuportahan at ma-iimpluwensiyahan ng government ang pagsulong ng aktibidad ng sektor ng ekonomiya, kasama nito ang mga bago at lumalagong negosyo ganun din mga malalaking negosyo sa kasalukuyan.
A report by the UK Government Chief Scientific Adviser.
       
Quote
Kami ay naniniwala na ang blockchain ay magiging isang C-suite na isyu para sa mga namamahala ng asset. Bilang isang grupo, kailangan maunawaan ng mga namamahala ang potensyal na impact nito sa negosyo at itama ang kanilang pag-tugon. Parehas na ang negosyo at mga pinunong nanungkulan ay may papel na dapat gampanan at listahan ng mga kinakailangan tapusin sa loob ng dalawang taon.
Pahayag ni JP Morgan at Oliver Wyman isang taga-payoreport, 2016 Unlocking Economic Advantage with Blockchain: A guide for asset managers


Quote
Ang mga Distributed ledger ay walang pangambang nagbibigay ng halaga sa gobyerno, nag a-alok ng makabagong paraan upang mabawasan ang pandaraya, kamalian at halaga ng pag-bibigay ng kakulangang serbisyo sa mga gumagamit. Kasabay nito, ang mga teknolohiyang ito ay nag aalok ng makabagong inobasyon at abilidad upang mabawasan ang halaga ng transaksyon para sa mga SMEs sa UK. Ang kabanatang ito ay nag bibigay linaw lamang sa ilang mga posibleng mangyari sa paggamit. Habang ang distributed ledgers ay ginagamit ng malawakan, maaring magkaroon ng bagong anyo ang pagpapatupad ng serbisyo ng gobyerno.
Ang pahayag ng Pangunahing Tagapayo sa Siyensa ng Gobyerno ng UK. Distributed Ledger Technology: beyond block chain


Quote
Sa halip na manatili sa dulo ng industriya ng pananalapi ang Blockchain ang magiging puso nito.
Giancarlo Bruno, ang pangulo ng industriyang pang-pinansyal na serbisyo sa World Economic Forum. Agosto 12, 2016. The New York Times


Quote
Ang letter of credit or LC na isinagawa sa Blockchain ay nagbibigay ng mas malaking kahusayan at kalinawan sa proseso ng pakikipag-kalakalan, ito ay pakikinabangan ng maraming grupo s kangyang kahalagahan. Bilang kabahagi sa pag-lalakbay ng Smart Nation, ang pakikipag-sosyo at pag-gamit ng ganitong mga inobasyon ay makatutulong sa pagbabago ng bangko at pang pinansyal na sektor.
Khoong Hock Yun, assistant chief executive of IDA Singapore’s Development Group. Agosto 10, 2016. Blockchain News

Quote
Bilang isnag bangko sentral, kami ay bukas sa mga inobasyon kahit na may iba't ibang opinyon sa mga usaping cryptocurrency. Nais namin bigyan ng kosiderasyon ang positibong epekto maging ang panganib na dulot ng teknolohiyang blockchain at iba pang distributed ledgers.
Lesetja Kganyago, South African economist and central banker. Agosto 23, 2016. CoinDesk

Quote
Kami ay may grupo ng mga opisyal mula RBI, IDRBT at mga tao sa industria na titingin dito. Mayroong malaking potensyal (sa teknolohiyang Blockchain).
H.R. Khan, Reserve Bank of India deputy governor.  June 26, 2016. Blockchain News

Quote
Ang Business Insider ay nag balita na ang HSBS ay nag-uusap tungkol sa ideya na gawing dihital na pananalapi ang sistema na base sa blockchain ang bangko sentral upang ma-lubos ang transparency ng transaksyon at makagawa ng malinaw na larawan ang sistemang pang pinansyal ng bansa.
Nobyembre 9, 2015. Coindesk News

Quote
Sa parehong paraan, ang makabagong sistema ng paglilipat ng salapi, base sa isang malaking data analysis sa pamamagitan ng Blockchain, at maaring magamit ng gobyerno upang i-balanse ang ekonomiya ng mas mahusay at maayos. … Sa makatuwid, sa pamamagitan ng blockchain ay malalaman ng gobyerno ng higit kung anong tunay na nangyayari sa ekonomiya.
Mike Bird, Markets Editor of Business Insider. Nobyembre 9, 2015. Blockchain News

Ito ay nalalaman na ng iilan na sa nalalpit na hinaharap,ang buong mundo ay magkakaroon ng isang protocol na base sa Blockchain na pag-iisahin ang lahat ng hiwa-hiwalay na mga database sa buong mundo sa iisang disentralisadong sistema. Ang Daylight ay lubos na nag aangkin ng ganitong katayuan sa teknolohiyang blockchain.

Team


Oleg Strelenko
Funder, CEO, Blockchain developer

Tagapag-sulong ng Blockchain na may 5 taong karanasan. Nag-sulong ng disentralisadong dihital na pananalapi DCoin (80k lines of Go code) mula simula. Kilala siya sa komunidad ng Ruso sa pangalang Dmitry Kharitonov. Sa loob ng 10 taon, siya ay nakapag sulong ng mga sariling proyekto at humawak ng grupo ng mga IT.




Alexey Krivonogov (linkedin)
Core developer

Isang propesyonal na C/C++ programmer na may 24 na taong karanasan. Nag-tapos sa Novosibirsk State University noong 1992 sa kursong mathematics and applied mathematics. Nag-sulong ng programming language Gentee (wiki) mula simula. Nag-sulong ng sariling data store Eonza.




Andrey Nechaev (linkedin)
Mobile developer

Mahigit 5 taong karanasan sa Software development. Bihasa sa pagunawa ng Web stack, karamihan ay backend (Erlang, Java and Python). Nag-sulong ng mga application sa parehong front-end at high-loaded back-end sides. Nararanasan sa mga kilalang mobile platforms, cross-compilation para sa lahat ng kilalang desktop at mobile platforms. Naka tutok sa mga serbisyong ipinalalabas tunkol sa fault-tolerant at UX.




Yoriy Lomakin (linkedin)
Frontend Developer

Taga-pagsulong ng Front-end na may 10 taong karanasan. Nag-trabaho sa isang grupo charmerstudio.com, Nag-sulong ng mga pangunahing news portal lenta.ru.





Artur Pakhomov
Science Advisor

Naging kandidato sa pagiging Kinatawan ng State Duma ng Russian Federation. Miyembro ng Presidium of the Council of St. Petersburg Chamber of Commerce and Industry. Doktor ng Pilosopiya sa Ekonomiya. May-akda ng ilang pahayag sa modernisasyon at muling pag-babalangkas sa pangangasiwa ng real estate. Sa mahigit 30 taon, ipinatupad nya ang mga sariling proyekto kasama sa ibang bansa.   




Sergey Chernyshev (wiki)
Science Advisor at IPE Lab

Philosopher, tagapag-turo at eksperto sa organisasyon at pangangasiwa. Guro sa National Research University - Higher School of Economics. Miyembro ng Expert Council sa gobyerno ng Ruso. May-akda sa 8 monographs at 150 na papel. Pangulo sa Research Council of the Institutional Project Engineering Laboratory (IPE Lab).




Aleksandr Boldachev (wiki)
Advisor/Analyst

Philosopher, tagapag-suri, miyembre ng Association of Russian Futurologists. Pangunahing aspetong sinasaliksik: global evolutionism, temporal ontology, philosophy of artificial intelligence, futurology. Sa nakalipas ng mga taon, nag trabaho sya sa pag-likha ng pamamaraan sa pag-momodelo ng mga komplikadong sistema.




Dmitry Eliseev
Advisor at IPE Lab

Doktor ng Pilosopiya sa Technical Sciences, ekonomista, isang porpesyonal na taga-payo sa pangangasiwa, guro. May akda ng mahigit 70 publications at mga manual. Sa loob ng 15 taon, matagumapay na nag-patupad ng 46 proyektong konsultasyon sa stratehiyang pagpa-plano at disenyong pang-organisasyon sa mga pangunahing kumpanya sa lokal at pandaigdigang kumpanya tulad ng Oreltekmash. Senior methodologist,Miyembro ng Research Council of the Institutional Project Engineering Laboratory (IPE Lab).




Ruben Pombuhchan
Advisor at IPE Lab

Eksperto sa pag-sulong at pag-papatupad ng mga makabagong teknolohiya. Tagapag-suri sa pamumuhunan. Pangulo ng Sapsan Consulting Group. Siya ay may malawak na karanasan sa pangangasiwa ng mga proyekto ng mga malalaking korporasyon. Kabilang siya sa pagpapatupad ng malalaking proyekto sa mga pangunahing lumpanya at grupo Gazprom, Magnit, and Basic Element. Siya ang namumuno sa proyekto ng Institutional Project Engineering Laboratory (IPE Lab).



Kalagayan ng Proyekto
Ang pangunahing pag-subok sa simpleng bersyon ay kasalukuyang nagaganap. Full node clients for Win, OSX, Linux; lite for IOS and Android are ready.
 
Hakbang sa Pagpa-plano
Hindi sa kalayuan, ang NPO ay ire-rehistro, at pagtapos ay magpapadala kami ng 195 sulat sa lahat ng kilalang estado sa buong mundo na magtatag ng mga magta-trabahong grupo sa pagsusulong ng mga tuntunin at regulasyon kung saan ang pangunahing smart laws at standards of connection sa Daylight ay lilihain.

Bakit kaya Namin Gawin Ito
Kami ay naka likha Dcoin mula simula, kung saan ipinatupad ang mga sumusunod na solusyon: disentalisadong palitan ng cryptocurrency, isang kakaibang mekanismo sa pagkilala, disentralisadong pangangalap ng pondo na may pagpapalabas ng sariling token, isang mekanismo sa pag-papanumbalik ng mga susi kung sakali ito ay mawala, tatlong pag-lalagda, p2p lending, pambihirang mekanismo sa pag-uugnay ng fiat currencies sa cryptocurrency, isang tagapamagitang mekanismo para sa ligtas na pamimili sa mga tindahan. Kaya nga, kaya nga kami ay naniniwala na nasa amin ang mga kinakailangan eksperto at karanasan sa pagpapatupad ng aming proyektong DayLight.

Komunidad
Kung nais mo na isulong kasama namin ang DayLight, Maari nyo kaming bisitahin sa aming forum at makilahok sa aming mga usapan. Sundan ang aming mga balita sa Facebook, Twitter, Medium, and Daylight.world. Ang lahat ng aktibong kabilang ay mabibigyan ng pabuya, kahit na magkaroon o hindi ng Initial Coin Offering (ICO). Kinakailangan din namin ng mga beta tester. Sila rin ay mabibigyan ng pabuya. Maari kang mag-aplay here upang makasali sa aming beta testing.

Specifications
DPoS
Ang PoW ay kasalukayang pinag-uusapan

ICO
Pinag-iisipan namin ang ibat ibang paraan upang mkahikayat ng mga mamumuhunan. Posibleng magpautpad kami ng ICO. Pag-papalabas ng 100 million DLT, bahagi (o lahat) ay ipamamahagi base sa kalalabasan ng ICO. Kami ay lilikha ng isang istado na gagamitin upang subukin ang Daylight. Sino man ay maaring bumili ng citizenship sa estadong ito sa halagang 10 DLT. Ang huling desisyon ay kung magkakaroon ng ICO o hindi na isang paraan sa pag-hikayat ng mamumuhunan. Paunawa po na ang unang ipalalabas ay simpleng bersyon ng DayLight. Pagtapos ay posibleng ipatupad ang ICO.


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Sponsored by , a Bitcoin-accepting VPN.
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!