Wala akong specific books na binasa tungkol sa trading, mahilig lang akong mag research at magbasa basa tungkol sa mga tips at mga dapat malaman pag nagte trade kana.
Random articles lang kasi mga nababasa ko kaya kung ano lang yung ma search at lumabas yun lang yung tinitingnan ko. Maganda din yung mga tutorials sa youtube, hindi ko alam kung mga expert na sila pero talagang useful yung mga payo at diskarte na napapanood ko.
In the end mas maganda pa rin yung actual experience at kahit magkamali ka man sa umpisa atleast naging aware ka sa mga dapat mong gawin sa sunod na pag trade mo.
Ako din wala libro binasa pero ang pinaka magandang turo ay panonood ng video galing ng youtube at iba pang video materials. Mas madaling maintindihan dahil naituturo dito ung parts at tamang pag tingin ng mga candles indicators and tools. Dapat ma i apply mo sa live chart ung napanood mo sa video para matitignan mo kung tama ba or mali ung pag plot pag tingin at strategy. Maraming klase para makita mo ba kung aangat o babagsak ung coin. Pero pag pinasukan na ng whales na pump and dump sa maliit na time frame nasisira ung pattern ng trading.