- Ledger Nano S | May Nakitang Vulnerability!
May nakitang vulnerability ang Ledger Wallet sa kanilang app. Ang vulnerability ay nagkaron ng way na mapaltan ng mga malwares ang address na nilalabas sa "Receive" module ng bitcoin chrome app.
Dahil dito nagkakamali ng binibigay na address ang tao. At permanente ( kung di ito napapansin ) na dun sa address ng hacker nasesend ang mga funds. Man in the middle attack ang tawag nila dito.
Upang maiwasan ito naglabas ang Ledger Wallet ng update sa kanilang applications kung saan maari mong ma-monitor o makita kung tama yung address na iyong ginagamit. Kailangan mo lang pindutin yung "Monitor" na button bitcoin chrome app.
Ang ginagawa nito ay ipinapakita sayo sa Ledger Wallet hardware mo ang tamang address. Dapat mo itong ikumpara sa address na nakikita mo sa chrome app. Kung male ang address kailangan mo ng mag linis ng computer dahil siguradong may malware na ang computer mo.
Para sa mga tanong o kaya naman mga maling nakasulat o nararapat idagdag. Sabihin lamang sakin at aking babaguhin. Sana magamit nyo ito. Kase naranasan ko yung mga konting problema. Salamat!Related:
Ledger Nano S | Ang Unang Paggamit