Kaya lang naman hindi maganda ang direction ng Ethereum dahil yung system nito is gamit ng napakaraming scam projects and ICOs na nakakaapekto sa presyo at kagandahan nito eh. Ang ETH din kasi ay ang pinakamabilis na sumunod sa yapak ng Bitcoin kaya't hindi malabong mapalitan ito sa kadahilanang madami pang mas magandang cryptosystem na nagagawa ngayon na mas mabilis at mas mura.
Sa tingin ko hindi dahilan ang mga scam project na nasa platform ng ethereum ang dahilan ng pagbagsak ng presyo nito. Talagang dumanas ng tagtuyot ang market, kahit nga ang Bitcoin ay bumagsak din ng husto. Tapos mukhang hindi pa maganda feedback sa recent upgrade nila. Pero naniniwala pa rin akong makakarecover ang ETH dahil isa ito sa major cryptocurrency na ginagamit sa kasalukuyan.