Sa GPU mining pag nag babayad ka ng kuryente hindi profitable pwera na lang kung may solar ka brad para maka free electricity ka.
Pero hindi ba mahal din ang pagbili ng solar panels at pag-set up nito? Hindi talaga siya free electricity. Or yung assumption is meron na siyang existing solar panels?
Kung balak mo talaga mag mining sa pilipinas ay talagang ma momroblema ka sa taas ng bill mo sa kuryente kaya minungkahi na gumamit ng solar panel. Sadyang may kamahalan nga din ito ngunit kung ito naman ang napili mong tahaking landas ay tama lang naman na mag invest ka ng kagamitan na makakatulong sayo sa future. Nasa saiyo lang naman ito ngunit ito nag number one na dahilan kung bakit lugi ang mga nagmimina sa bansa.