Isa na namang magandang balita ang aking nabasa tungkol sa Bitcoin. Ito ay ang pagaapruba ng U.S. Commodity Futures Trading Commission (CFTC) sa isang Physically-settled Bitcoin futures. Ito ay ang Eris-X na sinusuportahan ng U.S. brokerage TD Ameritrade, ay nag-anunsyo na sila ay binigyan ng derivatives clearing organization license para sa paglunsad ng crypto products sa ilalim ng US regulators. Ang buong detalye ay mababasa sa article na
TD Ameritrade-Backed ErisX Gets Green Light to Settle Futures in Bitcoin.
Kung iisipan ay hindi ito ang unang inaprubahan bilang bitcoin futures pero ang kaibahan nito sa mga nauna ay ito ay Physically settled Bitcoin futures, ibig sabihin ay ang bawat settlement ay kinakailangang may back up ng Bitcoin mismo hindi tulad ng cash-backed settlement kung saan wala talagang palitan ng Bitcoin na nagaganap. Sa pagpapatupad nito ay masasabing magkakaroon ng malaking demand sa limitadong supply ni Bitcoin na maaring magtulak upang lalong tumaas ang presyo ni Bitcoin. Posible ring ito ay maging isa sa mga catalayst (kasama ang BAKKT at iba pang mga pending bitcoin futures approval) na magpupush sa presyo ni Bitcoin na tumaas at makamit ang panibagong all time high nito.
Mukhang hindi nalalayong mahit ni
Bitcoin ang $21k USD ngayong taon. Posible kayang tama ang speculation ng iba na aabot ng $60k si BTC this year? Ano sa palagay nyo.