Pamilyar naman tayo na available ang InstaPay sa app na madalas natin gamitin (CoinsPh) at sa Gcash na din. Sa huling datos ng BSP, umabot na sa P20.92 billion ang InstaPay transactions with 2.47 million transactions. Sa palagay ko malaki-laki ang naiambag nating mga Pinoy crypto enthusiast sa bilang na yan.
I believed kaunti lang in terms of numbers sa Instapay. Recently lang kasi na-add sa coins.ph.
Matagal na kasi ang Instapay kaya ganyan na ang numbers niya and since na-add na sya sa coins.ph tiyak na madadagdagan pa ang stats ng usage niyan from now. Medyo nagka problema lang yan nung early phase nila gaya ng delays na supposed to be instant kaya buti ngayon maayos na.
Saka laking tulong din ng mga nagsulputang cashless payment system gaya ng Paymaya alongside sa mga dati ng nandyan gaya ni Smart Padala at much improved GCASH. Pati sa mobile banking puwede na rin mag-initiate ng payment e na nagpadagdag pa sa stats usage ng cashless transactions.
Hindi naman sa nagtataka ako pero bakit ini-aim ng BSP na maging sanay na tayo sa cashless payments? Is there any specific reasons what is it exactly about? Since Bangko Sentral ng Pilipinas ang pinaguusapan natin di ba dapat mas ine-encourage nila ang pag gamit ng sarili nating Philippine Peso? I'm not saying this is bad news for us but may problema na ba tayo sa circulation ng ating fiat currency kaya gusto tayong hikayatin sa pag gamit ng mga cashless payments?
Peso pa rin naman ang gamit bro.
Not because tinawag na CASHLESS PAYMENT means digital na rin pati ang currency.
Maganda kasi ang cashless payments kasi mas mabilis at convenient. Internet lang ang kailangan and you can pay or transact all you want kahit habang naliligo ka lol. Less risk din kasi no need na magdala ng cash on hand.