~snip
Grats sa rank 6 na ship ako rank 4 pa lang pinakamataas kong ship, 9 days cool down ang ship invention. Ang problema lang minsan ang taas ng fluctuation ng gas fee. Umaabot ng 1usd ang minimum kaya sa halip na magpapalipad ako ng ship eh itutulog ko na lang hehe. Nga pala currently nasa 80 plus planet na ang nakokolekta ko. Buying kasi ako ng planet with more than 50 people per day ang increase na may pinakamababang presyo. Ok lang common planet kasi population for invention purpose lang naman para sa high rank ship.
Sana makahit ka ng legendary planet dyan sa Rank 6 ship mo. good luck sa pagpapalipad!
Sana nga kahit makaisa lang.
Di ko rin naman bebenta kung sakali.
Solohin ko lang yung "story" nung planeta.
Oo, huwag dapat pilitin na magpalipad kapag mataas ang gas fee.
Sayang din kasi kapag nag-fail ang lipad.
Dati nga 0.5 GWEI lang ginagawa ko, kaso ngayon nai-stuck lang sa mempool kaya ginawa ko nang 1 GWEI.
Tama rin yang mga murang planeta pero maraming populasyon ang unang bilin.
Yung mga rare pataas kunin na lang sa paglipad para may thrill.
Mukhang matatagalan pa ako makapagpalipad ng mga low rank ships ko, ang laking resources na kinakailangan.
Saka yung pag-invent 1 buwan mahigit pa.
Nagsearch ako sa game na to and sa tingin ko ang ganda nung parang idea ng game kase I enjoy games na ganyan eh yung may connection with space. Pero nung nakita ko to bigla akong nawalan din nang gana. Gusto ko pa naman itry yung game and mukhang medyo swak yung graphics para sakin. Yung trailer lang din nung game, medyo di maganda yung dating.
Huwag ka sana mawalan ng gana.
Karamihan ng DApps sa Ethereum Blockchain ay naglalagay ng payment options tulad ng paypal, visa, mastercard.
Para yan sa mga players na hindi alam gamitin ang blockchain.
Swerte nga nateng mga marunong gumamit ng blockchain kasi sobrang tipid ang pagbili kapag crypto ang pambabayad.
Subukan mo sa market tumingin, makikita mo, mas mura nang di hamak kaysa kapag card ang pambibili mo.
Lahat ng nasa market ay sa ETH mo mabibili.