Hanggang saan ba OP ang sakop kapag pwned ka? Data mo lang ba ang naco0mpromise dito using email na gamit mo, or totally naaaccess na nila itong email mo? Medyo gusto ko lang na mabuksan ang usapan at pati na rin ako ay maliwanagan. Kailangan na bang di na gamitin ang email na PWNED na?
Ang madalas na nacocompromise ay ang email address at password, minsan kasama din yung other infos. like birthday, address and etc. Pwede ma access ang email account yun ay kung hindi ito secured lalo na kung hindi naka enable ang 2FA. Pwede mo pa naman magamit ang PWNED email mo basta maging aware ka na sa mga security features at sigurado kang secured na ito.
Napansin ko lang din na may inererecommend silang 1password na kung saan sa aking pagkakaalam eh magagamit mo ito as "Password Generator" naisip ko lang na hindi bat mas unique ang password na mismong naggaling sa isip mo? medyo alarming lang din para sa akin na gamitin itong 1password. Isa pa hindi kaya isa lang itong paraan nila na sabihing pwned ka para gamitin mo ang service nilang 1password. Sensya na OP ginamit ko lang yung critical thinking natin. By the way thanks sa share.
Di ako gumagamit ng mga ganyang service, mas mabuti pa rin na ikaw lang ang nakakaalam ng password na ginagamit mo. Mahirap din tandaan at nakakalito yung pinoprovide nilang set or combination of characters.