Sa akin na intindihan ko naman siya kasi nagagamit ang pangalan niya sa hindi naman niya gawain and tama yong ginawa na ipublic yung sinabi niya para ma warning yung mga gumagamt ng name niya at gamitin pa ng iba para mang-scam ng tao which is mali at makakasira sa image niya. although isa nanaman to sa magpapababa ng percentage ng pilipino sa pagtitiwala sa crypto pero I believe soon na may mas popular na tao ang magpapa taas ng trust ng pilipino about crypto.
Kaya tayong mga crypto users ay dapat mas maging alerto sa mga impormasyon na nababasa natin through social media or internet. Hindi dapat agad tayo naniniwala lalo na kung walang batayan ang isang pahayag. Napaka crucial ng mga tao pagdating sa ganitong usapin lalo na sa cryptocurrency. Tulungan nalang natin na mapalakas pa ang paggamit ng cryptocurrency sa bansa natin, tulad ng pagpromote with proper evidence and facts. Ang mga facts ang magpapatibay sa paniniwala nila na maganda ang epekto ng bitcoin sa ating bansa, at hindi na natin kailangan pa gumamit ng mga kilalang tao upang mas makakuha ng maraming tao. Tulad ng nangyare kay Tito Boy, mas masarap magtrabaho ng patas at walang nalolokong tao.
Ang target nila at Yung mga hindi maalam sa crypto dahil madali lang silang utuin lalo na pag sinama pa ang isang napaka sikat na tao tiyak magiging curious ung mga sumusunod kung ano Ito, pero maganda na na expose agad Ito at nakapagbigay na ng statement so Boy abunda ukol dito at tiyak marami ang na educate at napapaalahanan na wag mag invest sa platform na iyon upang Hindi mabiktima ng scam.
Tama dapat ganito din yung response or action sa mga ganitong klaseng pangyayari na kahit hindi naman involve yung tao sa isang bagay like endorsing cryptocurrency sinasama nila para lang maenganyo yung mga tao and tama mas tinatarget nila yung mga bago pa lang dito da crypto world pero sa opinyon ko masama ang naging dating nito sa mga nakapanood, oo napagusapan ang crypto sa tv pero in a bad way na parang ang magiging initial reaction ng mga makakapanood nun is maging alert sa cryptocurrency kasi scam yun kaya nakakalungkot pero sana itry din nila na isearch yun para sa ganun majustify kung mali man interpret nila sa crypto.