Good Day, meron ba dito sa Local ang gumagamit na ng Brave Browser maliban sa Google/Firefox/Opera? I'm just curious about it, also may natatandaan ko na just by using the Browser you can earn crypto, kailangan mo lang bumisita sa mga partner sites nila and some says na makaka-earn din while watching ads?
Kung may youtube channel ka or blog, pwede kang magsign-up as a verified content creator. Your audience/readers can then give you a tip (BAT) if they appreciate your content. Pero right now pansin ko lang one time lang ako nakatanggap ng BAT for tipping after that wala na so possible US and Europe countries palang 'to active.
Kung gamit mo yong Brave browser, pwede mong e-enable yong Ads sa Brave rewards. Punta ka lang sa right-side of your browser tapusin pindutin yong drop down menu then hanapin at piliin ang Brave Rewards tapos enable mo yong Ads. May mangilan-ngilan na Ads ang pumasok sa akin. Mukhang konti pa lang ang Ads sa atin, karamihan nasa US and Europe countries pa lang.
Safe ba gamitin ito? Then as for earning how much ang nagiging biyaya?
Sa tingin ko safe na safe siyang gamiting. Mga bigatin ang founders ng Brave na sina Brendan Eich and Brian Bondy. Si Brendan Eich is the creator of Javascript programming language and co-founder of the Mozilla project samantalang si Brian Body ay previously connected with Khan Academy, Evernote and Mozilla.