Matutuwa na naman ang mga sakim na kagaya ko bakit? Dahil mayroong mga tao na katulad ko kung saan ang kanilang holdings ay hindi malaki, at ang pagbaba ng market ay isang malaking oportunidad para mag enter sa market, well, isa sa mga mahirap tanggapin ay kung mayroon kanang naipong BTC tapos babagsak ang market ng hindi mo nalalaman at hindi ka nakapag benta. Pero kung ang mindset mo ay magiging sakim ka sa BTC, this will not be a problem for us, just take it as opportunity, habang tumatagal, dumadami ang nag aaccumulate ng bitcoin, even maliit na amount, kaya't ang mga panahong babagsak ang bitcoin ay dapat na sinasamantala natin. At isa pa, kung karamihan sa atin ay may ganitong mindset, hindi mamamatay ang bitcoin bakit? Dahil palaging may support level na nag aantay at siguradong aangat muli ang bitcoin kung marereach ito at hindi ma bbreak.
Ang pagbagsak ng market ay isa talagang oportunidad sa mga taong gustong palakihin ang kanilang investment sa bitcoin. Pero mayroon talagang mga taong nalulungkot at namomoblema sa pagkabagsak ng bitcoin dahil hindi lahat ng bumibili ng bitcoin ay spare money ang ginagamit dahil ang pera nila sa bitcoin ay kadalasan ito ang perang ginagamit nila sa kanilang gastusin.