Nakaranas din ako ng ganyan, OP.
Nung una ay may nagshare ng profile picture ko sa Facebook, at matapos nun ay sinabi ng page na nakakuha daw ako ng bonus at iclaim ko diyan sa nakalink sa post.
Nung binuksan ko ang link, eto ang lumabas sa screen ko (nicrop ko ang website address para maiwasang makabiktima pa ng iba ngunit para sa kaalaman ng lahat, ang phishing site na aking nabuksan ay hinost sa 000webhost at nireport ko na yung site sa mismong hosting site din)
![](https://ip.bitcointalk.org/?u=https%3A%2F%2Fi.imgur.com%2F2It6c3k.png&t=663&c=BahQt8d7icoucQ)
Matapos ko iclick yung "Claim Free..", bumukas ang obvious na fake login page ng Coins.ph. Nag attempt ako maglagay ng maling impormasyon sa site at ako'y nagulat na lamang ng bigla akong dinala sa 2fa kahit random characters naman ang aking nilagay.
![Cheesy](https://bitcointalk.org/Smileys/default/cheesy.gif)
![](https://ip.bitcointalk.org/?u=https%3A%2F%2Fi.imgur.com%2FxPrQOkq.png&t=663&c=WfHX1QVNKpyDkA)
Ingat tayo sa mga ganyan kasi marami rin akong nakitang shinare nilang photo ng ibang tao.
Note: Iba ang page na nagshare ng photo ko at di kagaya ng OP. "Coins.ph Wallet" yung page ng nag tangka sa akin, at dahil sa post na ito napaisip din ako na marami pa itong ibang page na pareho lamang ang motibo.