Sa tingin nyo mga kabayan, magandang idea ba na nag labas si Mr. Xian Gaza ng kanyang coin despite madaming tao ang nakakaalam ng kanyang credentials and characteristics. Sa aking palagay ito ay malaking risk sa part ni Mr. Xian Gaza dahil hindi lahat ng tao ay pabor ang suportado siya, pero meron din naman na tumatangkilik sa kanya at pinaniniwalaan siya. Pero para makasigurado, mas maganda pa rin na pag aralan, basahin at unawain ng mabuti ang project na ito.
Hindi yun magandang ideya kasi kilalang scammer sya. Sina-psycho nya yung mga tao sa mga posts nya at aminado naman siyang scammer siya. At ang isa pa dun ay nangangako siya ng gains sa mga investors na dapat ay maging aware yung mga taong interesado mag invest sa kanya na anytime ay mawawala ang pera nila sa coin niya. Sobrang centralized pati exchange sa kanya lang din at walang public exchange na ililist yung coin niya. Walang risk kay Xian, ang nagririsk dito yung mga investors at mga taong naniniwala sa kanya.
Yun nga din ang nakakapagtaka, bakit hindi available ang xiancoin sa ibang exchange, ano ang motibo ni xian gaza bakit masyadong centralized and coin niya. Upon reading ng kanyang project, napansin ko din na madami siyang binibitawang pangako sa side ng investors at buyers niya at yung iba ay questionable kung feasible ba o hindi.