Bitcoin Forum
May 13, 2024, 11:47:22 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: 1 2 [All]
  Print  
Author Topic: Maging mapagmatyag at maingat  (Read 372 times)
akirasendo17 (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1106
Merit: 310



View Profile
October 29, 2020, 01:33:16 AM
Merited by cabalism13 (5), Peanutswar (2), harizen (1), julerz12 (1), qwertyup23 (1), bL4nkcode (1), Maus0728 (1), Asuspawer09 (1), meanwords (1), samputin (1)
 #1

Malapit nanaman ang pasko kaya naglipana nanaman ang mga manloloko sa ating lipunan
kamakailan lang meron akong nabasa na post kung saan meron daw libreng gcash kapag
pinindot mo ang link, maari tayong masilaw dito kasi pandemic at kailangan natin ng pera
ngunit magingat dahil imbes na tayo makakuha ng libre baka manakawan pa tayo
hindi ko lubos maisip bakit may mga ganetong tao na sa kabila ng pandemya ay gusto pa
nilang manloko ng tao.
Please see image na aking nakita sa facebook at ang kanilang istilo



ito ay galing sa isang nagmagandang loob para maiwasan din natin ang mga ganetong klase
ng tao.

Mga bagay na dapat natingawin para maiwasan
1. Kung hindi natin kilala wag na nating pagaksayahan ng oras.
2. beripikahin muna kung talagang totoo huwag basta pindutin
3. wag padala sa sitwasyun, at magisip muna
4. eblock ang taong ngssend or pagsabihan, kung ito ay kakilala natin

sana makatulong ito lalo na sa mga nandito, ingat tayo lagi sa mga ganeto
sana oks padin kayo , kahit may pandemya laban lang
Whoever mines the block which ends up containing your transaction will get its fee.
Advertised sites are not endorsed by the Bitcoin Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction.
1715644042
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1715644042

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1715644042
Reply with quote  #2

1715644042
Report to moderator
1715644042
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1715644042

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1715644042
Reply with quote  #2

1715644042
Report to moderator
goinmerry
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2940
Merit: 1083


View Profile
October 29, 2020, 02:11:16 AM
 #2

Fortunately, marami na ring wise na tao sa ngayon at di na madaling nahuhulog sa ganyan. Pero sadly, di rin talaga maiwasan na may small percentage pa rin ang di pa gamay ang ganyang galawan. Mayroon ding experienced user na pero nahuhulog pa rin sa scam.

Spread the words lang ika nga. Yan din ang reason kaya naging aware ang iba sa mga ganyan scheme. Di talaga titigil ang mga scammers hanggat may nakikita silang opportunity. Part na sila ng ecosystem basta may usapang pera.
akirasendo17 (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1106
Merit: 310



View Profile
October 29, 2020, 02:25:03 AM
 #3

totoo yan sir, hanggat meron nagpapaloko may manloloko, lalo na kung sa ganetong panahon na hirap tayo magwork
mananamantala sila , hanggat may oportunidad, sana lang wag nila gawin na trabaho ang ganeto kasi babalik at
babalik ito sa kanila sa huli,
Kong Hey Pakboy
Member
**
Offline Offline

Activity: 1120
Merit: 68


View Profile
October 29, 2020, 01:25:37 PM
 #4

totoo yan sir, hanggat meron nagpapaloko may manloloko, lalo na kung sa ganetong panahon na hirap tayo magwork
mananamantala sila , hanggat may oportunidad, sana lang wag nila gawin na trabaho ang ganeto kasi babalik at
babalik ito sa kanila sa huli,
Tama. Hangga't may taong nagpapaloko mayroon paring manloloko dahil pagsasamantalahan na nila ang ganitong klaseng opportunidad upang kumita lamang sila ng pera kahit may tinatapakan silang tao. Madami pa din kasing mga taong scammer o manloloko ang hindi nahuhuli ng mga awtoridad kaya iilan lamang ang mga tao ang nadadala at nakokonsensya sa kanilang mga ginagawa. Minsan din kasi tayo din ang may kasalanan kung bakit tayo naloloko ng ibang tao, kaya dapat maging mapagmatyag and alamin muna natin ang isang bagay bago tayo sumige dito.
Lorence.xD
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 315


Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform


View Profile
October 29, 2020, 01:46:39 PM
 #5

Fortunately, marami na ring wise na tao sa ngayon at di na madaling nahuhulog sa ganyan. Pero sadly, di rin talaga maiwasan na may small percentage pa rin ang di pa gamay ang ganyang galawan. Mayroon ding experienced user na pero nahuhulog pa rin sa scam.

Spread the words lang ika nga. Yan din ang reason kaya naging aware ang iba sa mga ganyan scheme. Di talaga titigil ang mga scammers hanggat may nakikita silang opportunity. Part na sila ng ecosystem basta may usapang pera.
Dapat may exceptions pa rin, in my opinion dapat pabayaan nalang natin yung mga palaging nabibiktima ng scam, isang beses dapat natutunan mo na lesson mo eh pero kung palagi kang kumakapit at nagpapaniwala sa scam. Isa din sa problema yung information dissemination dito sa Pilipinas pagdating sa Scam identification at prevention, marami kasing Pilipino ang madaling nasisilaw sa mabilisang pera despite the red flags.
plvbob0070
Copper Member
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 658
Merit: 402


View Profile
October 29, 2020, 03:49:50 PM
 #6

Sa dami at iba't ibang uri ng scam na makikita sa iba't  ibang platform ay dapat maging aware tayo sa bawat kilos na ating gagawin na konektado sa ating funds o assets. Dahil sa panahon ngayon, ang mga scammers ay naghahanap ng alternatibong paraan upang makapanloko. Gaya niyan, isang offer na kung iisipin mabuti ay hindi kapani-paniwala, ngunit sa kabila nito ay may iilan pa ding nabiktima. Kung magsasagawa ng research, makikita ninyo ang isang  YouTube channel na nagbabahagi ng istorya o experiences ng tao sa iba't ibang klase ng gcash scam.

Maaari niyong tignan ang article na ito upang maging aware sa iba't ibang klase ng gcash scam.
Link:
Code:
https://walastech.com/guide-tutorial/five-gcash-scams-to-not-fall-for/

At regarding sa gcash scam sa Facebook messenger, maaari niyong basahin ang pahayag ng gcash tungkol dito at para malaman kung paano makakaiwas dito.
Link:
Code:
https://gcashresource.com/gcash-scams-via-facebook-messenger/
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1652
Merit: 426


Cashback 15%


View Profile
October 29, 2020, 08:35:06 PM
 #7

Delikado siguro itong ganitong method lalo na sa mga online transactions maaaring magamit ang pagsscan or panloloko kung magbabayad ka ng product online.

Lalo na sa Facebook Marketplace kung saan madalas ang scam,kung pagbabayarin ka ng selling gamit ang scan or magsend ng link na ganito medjo sketchy tlaga, pero maaaring maclick mo din ang link at mascam ka.

Sana maadown ang mga scam websites or magawan ng paraan ito, pero ang alam ko naman kaya marecover ang funds sa Gcash support kung irereport ito.
k@suy
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 882
Merit: 269


View Profile
October 30, 2020, 05:08:28 AM
 #8

Delikado siguro itong ganitong method lalo na sa mga online transactions maaaring magamit ang pagsscan or panloloko kung magbabayad ka ng product online.

Lalo na sa Facebook Marketplace kung saan madalas ang scam,kung pagbabayarin ka ng selling gamit ang scan or magsend ng link na ganito medjo sketchy tlaga, pero maaaring maclick mo din ang link at mascam ka.

Sana maadown ang mga scam websites or magawan ng paraan ito, pero ang alam ko naman kaya marecover ang funds sa Gcash support kung irereport ito.
Oo totoo sa market place ng facebook maraming manloloko kaya dapat magingat at maging alerto. Kaya ako I do prefer meet ups kung malapit lang. At hindi ako bumibili sa mga malalayong lugar kasi kung scammer sila mahihirapan kang itrace back sila dahil pwede silang gumamit ng pekeng identity. Sa panahon ngayon mas marami ang naloloko at manloloko dahil sa pandemya. Ang iba ay kapit sa patalim para lang kumita kaya nila ginagawa ang panloloko kahit na mali.
maxreish
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1330
Merit: 326


View Profile
October 30, 2020, 07:51:12 AM
 #9

Madalas mabiktima sa mga ganito ay yong mga nasisilaw sa free money. Unang una suspicious ang link na ibinibigay. Pangalawa nagbigay pa ng QR code para doon makapag send ng fund sa gcash niya.

 Mostly na na encounter ko naman ay ang mga mag o offer mag help da mga users ng gcash ang madalaa na mambiktima. Tipong kunwari ay tutulungan ka pero at the end ay mang i scam pala. Be aware nalang sa mga ganitong kalakaran ng mga manlolokong tao. Well, nagkalat na talaga sila. Maging sa mga online wallets ay maaari nilang gamitin para lang makapang scam.

Maraming salamat sa paalala, OP. Ang easy way nalang pag may mag send ng ganiyo sa atin ay to simply ignore and block the user.
meanwords
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 163


View Profile
November 02, 2020, 04:33:10 AM
 #10

Sobrang talamak talaga ang mga scams ngayon. Ngayong October nga lang ay 2 unknown numbers na ang nag text sa akin from 0963 718 3600 at 0950 565 4957 (ingat kayo sa mga numbers na ito)





Obviously hindi ako senior citizen at halatang halata na scam ang dating ng mga text na ito.
lienfaye
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 629



View Profile
November 02, 2020, 04:45:55 AM
 #11

Hindi na bago ang ganitong istilo. Marami talagang scammer lalo pa sa hirap ng buhay ngayon gagawin nila lahat para makapang scam lang kasi nga naman easy money.

Sobrang talamak talaga ang mga scams ngayon. Ngayong October nga lang ay 2 unknown numbers na ang nag text sa akin from 0963 718 3600 at 0950 565 4957 (ingat kayo sa mga numbers na ito)
Ilang beses na rin ako nakatanggap ng ganitong message bina block ko na lang ang number para di na makaulit. Ingat na lang tayo na huwag kakagat sa mga offer na nanalo tayo sa raffle o may reward na matatanggap lalo na kung alam mo naman na wala ka sinalihan.
finaleshot2016
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 1722
Merit: 1007


Degen in the Space


View Profile WWW
November 02, 2020, 07:24:43 AM
 #12

Simple thing to do is wag nalang pansinin yung mga ganyan, you should not entertain those scam messages at alam mong kadudaduda, delete agad.

Sobrang laganap na ang mga scam ngayon, kahit sa social media platforms, email at sms, may mga iba't ibang scams na. Only the uneducated people lang ang mabibiktima ng ganito kaya kung may kakilala kayong madalas gumamit ng gadgets, better inform them para hindi sila mabiktima ng ganitong pamamaraan.

Sobrang talamak talaga ang mga scams ngayon. Ngayong October nga lang ay 2 unknown numbers na ang nag text sa akin from 0963 718 3600 at 0950 565 4957 (ingat kayo sa mga numbers na ito)
Ilang beses na rin ako nakatanggap ng ganitong message bina block ko na lang ang number para di na makaulit. Ingat na lang tayo na huwag kakagat sa mga offer na nanalo tayo sa raffle o may reward na matatanggap lalo na kung alam mo naman na wala ka sinalihan.
Ilagay nalang dapat talaga sa blacklist para hindi mangulit pero kung madami na talagang nagtetext sayo para makapangloko, bili nalang talaga ng bagong sim.
Cling18
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1708
Merit: 126


View Profile
November 02, 2020, 09:53:40 AM
 #13

Nakakalungkot isipin pero marami pa rin talagang mga kababayan natin ang naloloko ng mga scammers sa ganitong paraan. Maswerte tayo dahil kahit paano ay nakapag acquire na tayo knowledge kung paano maiiwasan yung mga ganyang panloloko pero madalas pa ring nabibiktima ang mga taong walang sapat na kaalaman lalo na pagdating sa mga latest online wallets ngayon.
Isa sa mga pangunahing dahilan kaya nabibiktima ang marami ay dahil sa paghahangad ng magandang kita.
Alam naman nating too good to be true ang offer ng mga scammers kaya marami ang kumakagat dito. Siguro dapat ay magtulungan na lang tayo para masugpo ang ganitong mga scam. Maging mapagmatyag at wais tayo at huwag basta bastang magtiwala.
asu
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 1302
Merit: 1135



View Profile
November 02, 2020, 10:21:14 AM
 #14

Bitcoin price is going up once again mga kababayan.

Always be aware lalo na kung too good to be true at nanggaling pa lalo sa random/stranger yung messages, emails at etc...

Sobrang talamak talaga ang mga scams ngayon. Ngayong October nga lang ay 2 unknown numbers na ang nag text sa akin from 0963 718 3600 at 0950 565 4957 (ingat kayo sa mga numbers na ito)
Ilang beses na rin ako nakatanggap ng ganitong message bina block ko na lang ang number para di na makaulit. Ingat na lang tayo na huwag kakagat sa mga offer na nanalo tayo sa raffle o may reward na matatanggap lalo na kung alam mo naman na wala ka sinalihan.
Ilagay nalang dapat talaga sa blacklist para hindi mangulit pero kung madami na talagang nagtetext sayo para makapangloko, bili nalang talaga ng bagong sim.
Also take note. Kapag bumili ng bagong sim wag basta basta mag sign up or gamitin yung phone number para hindi na maulit at makuha basta basta yung number mo. Isa yan sa reason bakit tayo nakakatanggap ng random text messages.
abel1337
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2464
Merit: 1145

FOCUS


View Profile WWW
November 02, 2020, 11:54:34 AM
 #15

Nakakalungkot isipin pero marami pa rin talagang mga kababayan natin ang naloloko ng mga scammers sa ganitong paraan. Maswerte tayo dahil kahit paano ay nakapag acquire na tayo knowledge kung paano maiiwasan yung mga ganyang panloloko pero madalas pa ring nabibiktima ang mga taong walang sapat na kaalaman lalo na pagdating sa mga latest online wallets ngayon.
Isa sa mga pangunahing dahilan kaya nabibiktima ang marami ay dahil sa paghahangad ng magandang kita.
Alam naman nating too good to be true ang offer ng mga scammers kaya marami ang kumakagat dito. Siguro dapat ay magtulungan na lang tayo para masugpo ang ganitong mga scam. Maging mapagmatyag at wais tayo at huwag basta bastang magtiwala.
Marami talagang tao ang mga nag tatake advantage ng lack of knowledge ng mga tao at ito ang dahilan kung bakit sila nag kaka possible victim. Being educated on things like this is a must or atleast doing some research would help on avoiding schemes like this. Isang beses nakapag expose nako ng scheme na ginamit sakin sa aking personal facebook account, i didnt expect na makakakuha yun ng maraming shares at siguradong makakatulong na maging aware ang mga tao na nakabasa nung post ko sa ganung schemes. Ang pag bibigay ng awareness ay malaking tulong para mabawasan na din ang potential victims ng ganung method.
samputin
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1036
Merit: 294



View Profile
November 02, 2020, 11:55:37 AM
 #16

Hindi na bago ang ganitong istilo. Marami talagang scammer lalo pa sa hirap ng buhay ngayon gagawin nila lahat para makapang scam lang kasi nga naman easy money.

Sobrang talamak talaga ang mga scams ngayon. Ngayong October nga lang ay 2 unknown numbers na ang nag text sa akin from 0963 718 3600 at 0950 565 4957 (ingat kayo sa mga numbers na ito)
Ilang beses na rin ako nakatanggap ng ganitong message bina block ko na lang ang number para di na makaulit. Ingat na lang tayo na huwag kakagat sa mga offer na nanalo tayo sa raffle o may reward na matatanggap lalo na kung alam mo naman na wala ka sinalihan.
Hindi na ako nabibigla kapag may ganyan akong natatanggap na text message. Gumagamit pa talaga minsan ng pangalan ng malalaking tao o kumpanya para makapag take advantage sa ibang tao.

Kung hindi man well-known names, magpapanggap naman na kamaganak mo at hihingi ng pera o load stating reasons na nakakapangamba. Kung hindi ka magiging mapanuri sa mga nababasa at natatanggap mo, talagang magiging biktima ka.

Scammers are getting wiser. But we should be wiser than them. Ignore as much as possible and always, always think before you click.
pallang
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 518
Merit: 100



View Profile
November 02, 2020, 12:11:18 PM
 #17

Wala talgang pinili tong mga manloloko n to basta palapit ang pasko magsusulputan ang mga ganitong panloloko, pero cguro natuto n ung iba at hindi n maniniwala sa mga ganyan.  :
akirasendo17 (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1106
Merit: 310



View Profile
November 02, 2020, 02:26:33 PM
 #18

if makikita ninyo sa facebook meron din iyong makkita kayong comment na hindi naman related sa usapan na ang sinasabi sa ilang months lang daw kumita na sila with a certain links, hindi ko din iyon pinipindot di kasi natin alam san ppuntang site, at for sure scam iyon , kaya magingat tayong lahat
qwertyup23
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2240
Merit: 787



View Profile
November 02, 2020, 02:33:21 PM
 #19

Hi, thank you for creating this thread.

Along with the super typhoon na kakatapos lang, I am pretty sure sobrang daming requests and scam attempts ang lalabas na related sa pag-donate para sa mga kapamilya nating nahihirapan sa Catanduanes ngayon. Lalo na't madaming pang mga bagyo na papasok bago mag December, madami nanamang mga scammers ang lalabas at mag tatake advantage ng sitwasyon na ito para lang at least maka-scam ng isang tao.

Let's keep this thread updated and i-post natin dito mga skeptical and doubtful links na marereceive naten. Good work, OP!
Theb
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1680
Merit: 655


View Profile
November 02, 2020, 11:37:28 PM
 #20

Mga bagay na dapat natingawin para maiwasan
1. Kung hindi natin kilala wag na nating pagaksayahan ng oras.
2. beripikahin muna kung talagang totoo huwag basta pindutin
3. wag padala sa sitwasyun, at magisip muna
4. eblock ang taong ngssend or pagsabihan, kung ito ay kakilala natin

Sa aking opinyon hindi na ako aabot sa punto na ito na kung saan ay ive-verify ko muna yung ganito kasi sa punto na may mag-offer sakin ng free money na hindi ko kilala automatic ng di ko papansinin mag nangulit ay automatic ko na din na iblo-block para hindi na ako magoyo pa. Para kasi sa akin there is no such thing as free money palaging mayron kapalit yan o di kaya madalas ay panloloko lang sa isang kapwa, the best course of action talaga dito is wag nalang pansinin. From texts, messages to emails have a mindset that people are trying to scam you para maiwasan na maloko.
erikoy
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 686
Merit: 125


View Profile
November 03, 2020, 02:21:01 PM
 #21

Marami din kasi ang scam kahit sa lugar natin kaya dapat lang talaga na mapagmatyag at maingat sa mga gagawin lalo na kung patungkol ito sa pera fiat or pera sa cryptocurrency. Tama lang ang ginawa mo OP at agree akl sa mga ganiton klaseng post. Sino ba naman ang may gusto kung mangyari na kababayan mo ay na escam lalo na kung sa ibang lahi pa siya na scam. Kaya sa mga ganitong threads dapat lang na e share pero bitcointalk to eh hindi to facebook na isang pindot lang ang share.
pealr12
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1946
Merit: 502


View Profile
November 03, 2020, 03:27:07 PM
 #22

Madali lng naman makita kung legit o hindi ung mga nakikita sa facebook,  basta easy money sure ako scam un, kaya kung alam ng scam wag n lng ituloy n mag invest, ung iba kasi parang tanga lng, alam ng scam sasali pa din, di n cla natuto.
Boov
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 868
Merit: 256


View Profile
November 04, 2020, 06:58:55 PM
 #23

Madali lng naman makita kung legit o hindi ung mga nakikita sa facebook,  basta easy money sure ako scam un, kaya kung alam ng scam wag n lng ituloy n mag invest, ung iba kasi parang tanga lng, alam ng scam sasali pa din, di n cla natuto.
Naglipana ang mga manloloko sa mga social media platforms lalo na sa facebook. Minsan kapag nagcomment ka sa isang sikat na page may biglang magrereply sa comment mo at manghihikayat na magjoin at maginvest sa project nila. Ang dami ko na nakita at naexperience na ganito pero di ko tinry ever maginvest at sumubok nakakadala kasi mascam.
chaser15
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2688
Merit: 1065


Undeads.com - P2E Runner Game


View Profile
November 04, 2020, 10:09:02 PM
 #24

Madali lng naman makita kung legit o hindi ung mga nakikita sa facebook,  basta easy money sure ako scam un, kaya kung alam ng scam wag n lng ituloy n mag invest, ung iba kasi parang tanga lng, alam ng scam sasali pa din, di n cla natuto.

Alam ng iba na scam kaya lang dahil paying, iyong iba inaaaccept ang risk.

Ang ilang Pinoy, makita lang ang iba na kumikita knowing na scam un e di yan papahuli. Disregard ang salitang scam kahit sa mga experience person basta paying. Yan ang basehan nila e.

Kaya maganda kung ayaw makinig hayaan na lang. Kadalasan 10 or higit pang bad experience ang kailangan maranasan bago maging isang responsable ang isang tao.
serjent05
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2842
Merit: 1255


Cashback 15%


View Profile
November 06, 2020, 08:45:18 PM
 #25

Isang lang talaga ang solusyon dyan, at iyan ay huwag pairalin ang pagiging greedy.  Since ang pagkaganid ay nakakasira ng pagkakaroon ng rason ng ating pag-iisip.  Binablock kasi nito (greed) ang kakayanan nating timbangin ang sitwasyon.  Kung nasa tamang emotion at pag-iisip tyo, magiging maingat tayo sa mga ganitong offers at siguradong pag-aaralan natin ito ng husto at hindi tayo magmamadali sa mga desisyon.
Astvile
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1484
Merit: 276



View Profile
November 07, 2020, 12:17:22 AM
 #26

Sobrang talamak talaga ang mga scams ngayon. Ngayong October nga lang ay 2 unknown numbers na ang nag text sa akin from 0963 718 3600 at 0950 565 4957 (ingat kayo sa mga numbers na ito)





Obviously hindi ako senior citizen at halatang halata na scam ang dating ng mga text na ito.
Stone age type of scamming pa ito, pero nakakalungkot lang dahil sa mga nababasa ko sa fb at sa ibang kamag anak ko mismo nabiktima ng ganto recently lang. Sino ba namang tao ang mananalo ng walang sinasalihan diba? Madaling makaloko ng mga matatanda itong gantong text gaya nung nangyare sa tita ko nakuhanan pa siya ng 1k. Kahit na very old na tong gantong method of scamming dapat padin talagang ma ipublish at mabigyang awareness yung ibang tao.

Kaya maganda kung ayaw makinig hayaan na lang. Kadalasan 10 or higit pang bad experience ang kailangan maranasan bago maging isang responsable ang isang tao.
Tama ito, may mga tao kasing mapilit na akala lagi silang tama mostly dito sa Pinas is yung matatanda kasi mindset na nila e na pag mas bata ka konti lang alam mo. Pero in the end matututo at matututo din naman sila ika nga experience is the best teacher.
peter0425
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2646
Merit: 446



View Profile
November 07, 2020, 11:35:22 AM
 #27

Tingin ko ang talagang Major target ng mga ito ay ang mga beneficiary ng Tulong ng gobyerno na nai release itong mga nakaraang Lingo sa mga GCASH accounts in which andami kong nababasang Nagpaaptulong kung paano nila ma rerecover mga Gcash accounts na ginawa lang nila dahil sa pag fill up ng form ng SAF(Social Amelioration Program) ng gobyerno subalit sa pag aakalang hindi ganon ka importante to eh naiwala na nila mga sim cards or nawalan ng CP kaya di nila ma verify ang kanilang mga ayuda.

Mula nung mga panahon na yon ay naglipana ang mga ganitong post sa Facebook at sa iba pang social media platform.yon ang masakit dahil karamihan ng target nila ay yong mga mahihirap na eto lang ang inaasahan para makapagsimula ng maliit na pamumuhay.
Wicked17
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 476
Merit: 107



View Profile
November 08, 2020, 07:33:08 PM
 #28

Upgraded na din ang mga scammer ngayon kaya mag iingat tayo palage though karamihan satin ay aware naman sa mga ganetong modus pero sadly madami pa din nabibiktimang baguhan na ngaun pa lang namumulat sa pag gamit ng computer.
Peanutswar
Legendary
*
Online Online

Activity: 1540
Merit: 1066


Top Crypto Casino


View Profile WWW
November 09, 2020, 07:57:57 AM
 #29

Kahit na anong aware natin sa mgs tao ay still there are some na nagiging biktima ng gantong scam at madalas nga ay nag kakaroon pa sila ng problem. These days ay marami na akong na encounter na ganitong mga thread hindi lang sa ating forum kundi pati sa mga social media sites at ang ilan dito ay makikita mo pa na may

"Comment how and i PM you"
"Just comment how"
"PM me"

Pag nakakakita ako ng ganito ay ni rereport ko agad to make awareness because wala naman talagang easy money ngayon masyado lang ang iba ay naakit sa malaking halaga.
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542



View Profile
November 09, 2020, 10:23:11 AM
 #30

Kawawa naman mga nagiging biktima ng ganitong scam at kahit anong paalala ng mga kinauukulan meron pa rin naloloko sa ganito ung mga taong wala masyadong alam sa ganitong modus at gusto lumaki ang pera ang ending mas nawalan pa sa hirap ng buhay ngaun yung iba tlagang pumapatol sa ganito akala nila totoo, may mga tao talaga na ang trabaho e mang iscam lang grabe nasisikmura nilang ang ipakain sa kanilang pamilya e galing sa panloloko pwede naman magtrabaho ng marangal kahit mahirap bsta hindi galing sa masama ingat nalang lagi tayo malapit na pasko at marami nawalan ng income kaya bka mas maraming scammer pa maglabasan ngayon.   
john1010
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2086
Merit: 562


View Profile WWW
November 10, 2020, 02:16:40 PM
 #31

Kaya ang tangi lang natin pwede iambag sa naglipanang mga scam and ponzi program pati na rin mga taong mapagsamantala ay ang sapat na armas ng edukasyon patungkol sa cryptocurrency.
Janation
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1722
Merit: 528


View Profile
November 12, 2020, 10:42:53 AM
 #32

Kaya ang tangi lang natin pwede iambag sa naglipanang mga scam and ponzi program pati na rin mga taong mapagsamantala ay ang sapat na armas ng edukasyon patungkol sa cryptocurrency.

Hindi lang sa cryptocurrencies kabayan, dapat sa mga bagong modus din.

Napakaswerte nga natin dahil napakaraming tao ang nagbibigay ng kaalaman dito sa forum na ito kaya naman nagiging aware tayo sa mga bagong modus sa internet or sa ibang bansa man. Maraming pang pwedeng gawin ang mga scammer na ito na strategies to get in our heads kaya dapat updated tayo at may source tayo ng informations about these scams and scammers. 
sotoshihero
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 850
Merit: 504


View Profile
November 14, 2020, 08:29:24 AM
 #33

Sobrang talamak talaga ang mga scams ngayon. Ngayong October nga lang ay 2 unknown numbers na ang nag text sa akin from 0963 718 3600 at 0950 565 4957 (ingat kayo sa mga numbers na ito)





Obviously hindi ako senior citizen at halatang halata na scam ang dating ng mga text na ito.
Stone age type of scamming pa ito, pero nakakalungkot lang dahil sa mga nababasa ko sa fb at sa ibang kamag anak ko mismo nabiktima ng ganto recently lang. Sino ba namang tao ang mananalo ng walang sinasalihan diba? Madaling makaloko ng mga matatanda itong gantong text gaya nung nangyare sa tita ko nakuhanan pa siya ng 1k. Kahit na very old na tong gantong method of scamming dapat padin talagang ma ipublish at mabigyang awareness yung ibang tao.


OO nga eh, stone age technique pero meron pa ring mga naloloko. Kasi ang karamihan pag naka kita ng malaking amount na makuha, di na makapag isp ng klaro at nagpokus na sa pera,  na naging daan naman para mapahamak sila. Andami kong natanggap na mga napanalunan kunyari, as possobile dont engage delete na agad o block ang number para di na makapangloko.
Westinhome
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1596
Merit: 514


Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform


View Profile WWW
November 14, 2020, 10:30:29 PM
 #34

Mas kailangan talaga tingnan muna natin kung scam ba or hindi kasi minsan may mga trusted naman din pero karamihan talaga ay puro scam nalang kaya nga kung may nakikita ako na ganyan hindi talaga ako basta2x pa uto sa mga ganyan kaya need natin clarification talaga. Kaya naman dapat din natin tulungan yung mga wala pang alam para naman ma aware sila sa mga ganyang bagay. Kaya sabi pa nila spread nalang para malalaman din ito sa mga iba nating kababayan.
cuteness
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 204
Merit: 1


View Profile
November 22, 2020, 05:55:49 AM
 #35

kadalasan sa mga taong na bibiktima nito ay yung mga kakapasok lang sa mga digital payment gaya na lamang ng nasa larawan at mga taong nangangailangan pa ng pagkakakitaan. minsan kahit pa ang mga na scam na ay na sscam pa ulit dahil sa pabago bago ng teknik ng mga manloloko. hanggat maaga sa mga kakilala natin lalo na sa social media pag sabihan na lamang natin sila sa mga pwedeng mangyari kung papasok nila ang digital payment, crypto o anumang online transaksyon na kakailanganin ng gabay may mga tao kasing nahihiya mag tanong kung totoo ba ito o hindi.
Westinhome
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1596
Merit: 514


Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform


View Profile WWW
December 03, 2020, 09:30:05 PM
 #36

Hindi talaga maiiwasan sa mga taong scam lang talaga ang ginagawa kahit na may mga problema tayo dinanas dito sa ating lugar tulad ng bagyo at pandemic tapos gagamitin lang nila yang issue para maka scam sa mga tao. Yung iba nga na nabalitaan ko na isang streamer ata yun ng scam humingi ng donation para daw sa bagyo pero yung pera pala ginamit lang niya pang build ng PC kaya nakakagalit talaga isipin kahit na minsan kababayan pa natin mang scam sa atin. Ingat nalang talaga tayo at kung may mga nararamdaman na scam eh report nalang.
Pages: 1 2 [All]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!