Curious lang ako dito sa channel, same lang ba yan sa "transaction history"? Tiningnan ko yong wallet ko at sabi ay may 3 channels daw ako at ang nakalagay doon ay yong mga transaction history ko.
Technically speaking kapag nagkaroon ka ng lightning network channel -- nagkakaroon or nagbo-broadcast ka din ng bitcoin transaction sa mismong blockchain. The only difference is that the transaction you are making serves as the secondary layer para makapag transact ka ng micropayments with little to no tx fee.
Take note na yung channel is similar to a normal bitcoin transaction. After which, kapag established na yung channel, possible na yung micropayments. Magastos lang talaga sa pagbroadcast ng lightning network sa una kasi depende pa din sa mempool yung tx fee.
This is getting too technical and interesting as well
.
Since i already have a channel (I assumed), saan tayo papasok kabayan para makapag-transact tayo ng micropayments witk little tx fee? Ito kasi and feature ng LN na hindi ko pa mahanap-hanap.
Pagpasensyahan mo na kabayan yong tanong ko, gusto ko lang matuto ng LN hehe.
Pero may kasabihan "To teach is to learn twice" hehe, para hindi mo rin makalimutan yong mga natutunan mo sa blockchain technology.