Mas may chance kasi na may mapala ka kung nasa exchange na yung project na sasalihan mo para sa bounty, hindi nga lang ganun kadali makahanap at kadalasan talagang maliit na lang yung makukuha mo pero kung kahit papano eh meron naman pwede naman mapagtyagaan, kailangan mo lang maging masipag sa paghahanap at pagpili ng sasalihan mong bounty campaign.
Need mo ng extra effort at extrang oras para sa pagsasaliksik nung bounty project para hindi ka mascam at para hindi masayang yung oras mo.
Kapag kasi nasa exchange na, mas madali ma benta at madump kaya yun yung gusto ng marami sa mga bounty hunters. Sa ngayon, mahirap na ulit makahanap ng sulit na ganyan kapag dyan ka nagfofocus. May mga magagandang project naman kaso yun nga lang chambahan lang din at swertihan kapag may nasalihan ka, mapa bounty man yan o airdrop. Sa airdrop, iilang beses lang ako swinerte dyan at sana meron pa rin naman in the future kaso di na ko nahilig dyan.
Sang-ayon ako na tama lang na hanapin ng mga gustong sumali sa mga bounty campaign ang mga bounties na ang token ay nakalista na sa isang exchange. Mas malaki ang exchange na napaglistahan mas mainam dahil ito rin ang nagpapakita ng kakayanan ng project developer na ilagak ang kanilang token para mapasama sa merkado.
Karamihan kasi sa bounty ngayon ay nang eexploit ng mga members ng forum, mabuti na lang may mga bounty managers na naglalagay ng participant cap para naman hindi barya lang ang kitain ng bounty participants dahil sa dami ng sumali.