Maganda ito starting point nating Pinoy, pero sa totoo lang madalas hype ang nangyayari. At aminin natin madalas na marami pa rin na sscam. naalala ko yung FTX. Naniwala rin ako sa isang reply ng thread na yung axie pasimuno kaya nagising ang pinoy sa crypto. (sa tulong ni mareng Jessica Soho na nag feature ng success story ng player ng axie). Sana kung maging aware ang mga Pinoy sa crypto ay alam din natin ang pasikot sikot nito, di lng dahil invest lang instant money na walang risk. Mas dumami sana ang mga Senpai/coach sa trading ng crypto.
Na marites ka din pala pero kahit papano para dun sa talagang gustong matuto eh yun ang naging paraan para magsaliksik sila pero syempre kumpara sa mga nadala ng matinding pangako na kikita ka basta mag invest ka eh sila yung kawawa, madami talagang nadadale ang mga scammer at ung mga word of mouth sa malalapit na kamag anak at kaibigan tapos sa dulo eh sisihan lang ang mangyayari.
Kung inaral kasi talaga ng maayos at hindi lang basta basta nakikinig malamang mas maganda ang kalalabasan ng investment, marami pa namang oras lalo na ngayon na bagsak ang market, pagkakataon na ng mga kababayan natin na aralin at sanayin ang sarili nila sa risk na papasukin para kung swertehin or malasin eh alam nila ang dapat gawin.