Yan talaga ang isang dahilan kung bakit mas dasami ang users kapag may kilalang bangko tapos partnered pa sa isang exchange.
Integrated man o hindi, ang mahalaga dyan ay dala ng service at exchange na yun yung pangalan ng UB.
The more local exchange, more competition, and dahil dyan mas magiging competitve ang rates.
Sa ngayon kasi walang makatapat kay coins.ph dito sa Pinas kaya ayun, malaki pa rin ang spread ng buy and sell rates nila. Coins.pro the best ang rates pero di naman lahat na-aaccess ang coins.pro.
Hindi lang sa rates magkakaroon ng competiton kundi pati mismo sa service. Pagandahan yan, dati rati yung coins.ph akala natin unbeatable pero ngayon parang hindi na sila kilala at hindi na masyadong popular sa dami ng mga restrictions nila at nagsilabasan din ang mga popular wallet giants na gcash at paymaya(maya). Magkaiba na tayo ng stand tungkol sa coins at coins pro, dati gustong gusto ko sila pero nung nalimit ako, syempre may bias na at nag iba na pananaw ko sa kanila. Pero sa point naman na pwede kong iprove, sa coins pro, hindi naman sila ganun kalakihan ng volume at mas maraming mga kababayan natin nags-stick sa binance.
Ibig sabihin ba nyan, di masyadong nakaka attract ang mga local exchanges ng mga traders gaya ng PDAX. Di naman sa inaasahan kong magkakaroon din ng trading platform ang UnionBank pero if pati yan papasukin nila, sigurado baka maka attract sila ng big local traders.
Sa Pdax nagagandahan ako sa kanila at may instant trade na sila sa mismong website nila. Parang yan yung market sell/buy order na mabilis lang. Ang maganda lang din talaga kapag bank, syempre yung paniniwala na ang mga banks ay against sa crypto, ngayon isa na sila sa mga tumatangkilik kapag nandyan na yung exchange ni Unionbank na partnered sila sa third party.