Magtatanong lang po sana ako kasi di ko pa nasubukang maglaro ng MIR4 at eto na naman may lumabas na namang bagong version in which sabi ng mga reviews sa YT ay maganda at okay din daw ang kitaan, kaya medyo duda ako pag ganyang mga reviews. Nakikita ko kahit sa mga comments ay medyo nakakaduda. Kakaglobal launch lang po nila noong Jan. 30, 2023 kaya itatanong ko sana kung worth it ba mag laro(game wise) ?? kasi andami kong nabalitaan nung sa MIR4 na pahirapan daw sa grind dahil sa bots at daming PK. That time axie lang nilalaro ko at dahil nga sa mga balibalita nilang ganyan daw MIR4 di ko sinubukang laruin.
Eto po yung link sa google play :
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wemade.mirmglobal&gl=USPS. Di po ako nagpopromote nitong laro nagtatanong lang po ng maayos kasi di ko pa nalaro kahit kailan yung MIR4, asking lang po ako ng opinions at feedbacks nyo salamat
.
- Sa aking pagkakaalam kinumpara ko yung Mir M sa Mir4, para sa akig opinyon, mas maganda paring laruin ang Mir4. Bakit ko nasabi?
Dahil unang-una, yung mga mobs sa MirM masyadong agresibo kapag lumapit ka, hindi katulad ng sa Mir4 katabi mo na hindi kapa inaatake basta wala kang ginagawang pagatake maliban sa boss aatakahin ka talaga.
In terms of kitaan naman, mas maganda parin sa Mir4 kesa sa Mir M. Tama yung sinabi ng isa na sa ngayon mahal pa siya pero ilang buwan lang yan mula ngayon babagsak ang presyo nyan for sure. Kaya lang sa ngayon, generally, maganda nalang laruin ang Mir4 for libangan nalang not for earnings anymore.