Network congestion. Marami kasing transactions at ang isang block ay meron lamang 1 mb+ ang size bago ito ma-confirm ng miner. Kahit e check pa sa mempool, halos lahat ng block ay nasa 1mb+ lang pero may time din na aabot ng 2mb+ ang size ng isang block at ang total ng transactions na maaring maisali sa isang block ay nasa 4k+ max. Dahil nga sa taas nung demand ngayon is tumaas ang fee kaya madaming nag-uunahan para ma-confirm sa pamamagitan ng pagbayad ng mas mataas na fee at dahil nga gusto mauna sa iba ay nagbayad pa ng mas mataas na fee kaya tumaas ang fee. Ang mataas na fee kasi ang mas mataas yung chance ma confirm agad at alam ko na alam mo ito.
Sa ngayon mataas pa rin talaga ang fees. Kaya kung hindi naman kailangan mag transact wag na lang muna kasi sayang din yung fees na pambayad. So hold na lang kung kaya maghintay, lalo pa bumaba rin ang price ng Bitcoin, timing ito para wag galawin ang ipon dahil pag tumaas naman eh kikita tayo.
Ganun talaga wala tyong magagawang mga users kung hindi maghintay na lang ng solusyon from the developer. Mabuti na lang ang ilan sa atin dito siguro may mga kita outside the forum na pwede nilang gamitin at ok lang sa kanila na maghintay kahit na ilang buwan bago nila imove ang kanilang Bitcoin.
Ang problema lang eh kung kailangan mo na ng funds. Mas maganda talaga na bukod sa crypto na ipon ay meron tayong extra na hawak para incase na kailanganin ng pera ay merong madudukot.
Heto nga ang malaking problema lalo na at marami tayong gastusin at di sapat iyong kinikita natin sa ating trabaho, mapililitan talaga tayong magconvert kahit na malaki ang bawas dahil sa transaction fee surge.
Nung last bull run ng 2021, walang ganito baka etong darating na next bull run maranasan natin ulit natin itong fees na ito. Kung kailangan naman magbayad ng malaking fee sana nagra-range lang sa $1-$5 kasi mas sobrang mahal pa yung dati at yung pride naman ni bitcoin ay yung cheaper fees. Sana maging okay na itong clogging kasi ito nanaman ibabash sa bitcoin nitong mga anti-bitcoin. Mas okay na bumaba nalang yang mga fees na yan at magkaroon ng solution o di kaya mawala na yang hype sa ordinals.
So far yung last bullrun nung near 70k di ganito kadami yung transactions at syempre malaki laki din yung fee since mataas price pero madali ma confirm unlike ngayon na napaka daming unconfirmed transactions at ang taas ng fees.
Check this
[1], this time lang naging ganito, mabuti nga yung pag send ko last time naagapan pa ng free accelerator kung hindi baka di pa confirm yun. At sa dun mag sasabi ng maghintay na humupa muna i dont think mangyayari yan within few weeks, mapapasabak ka talaga mag send with higher fees sa kakahintay na bumamaba unconfirmed txs and fee
[1]
https://ycharts.com/indicators/bitcoin_transactions_per_dayMaganda ang naging resulta ng pagimplement ng segwit, bumaba talaga ang transaction fee at mas naiwasan ang congestion ng network. Ang problema kasi ngayon ay iyong BRC 20 at ang bigat o laki ng data na pinapasok nito sa network. Tapos meron pang mga small group na nagpasurge ng transaction fee kaya ayun domino effect ang nangyari.
Possible kayang magset ng fix tx fee and mga developer para maiwasan ang tx fee competition? Magiging first come first serve ang mangyayari at posibleng makapagbigay ito ng higit na kumpiyansa na macoconfirm ang kanilang transaction.