Sana nga kabayan , gustong gusto ko talagang maipasyal man lang yung pamilya ng magkakasama . Sa ngayon malayo sa kanila at nagttrabaho dito sa Cagayan para may pangsuporta sa kanila habang sumasideline sa crypto.
Magiging ok din ang lahat kabayan, laban lang para sa pamilya.
Oo Kabayan , walang sukuan to hanggang may lakas pa ay pilit na gagawin ang lahat para lang umunlad ng hindi na kailangan pang ikalat sa buong mundo ang natatamasa na pag-unlad.
Sabagay dun naman sila kikita , kaya gagawin talaga nila lahat ng paraan for the views. Pero sa atin lamang ay kaligtasan ng kapwa natin nasa industriya ng crypto , kaya kung yumaman man talaga tayo at swertehin ay lagi natin ilagay sa utak ang pagiging simpleng tao. Mas mainam kung magbahagi tayo ng magagandang paraan sa pag-asenso.
Dadating ang panahon, tayo naman ang yayaman pero hindi na natin kailangan iflex. Ang gagawin lang natin, alagaan ng maigi ang kayamanan na yun pati na rin ang ating pamilya tapos i-share ang blessing sa iba.
Being humble na lang talaga , yun kasi ang magbibigay satin ng kaligtasan . Sang-ayon ako na dapat marunong tayo na mangalaga sa ating kayamanan dahil kung hindi ay mawawalan ng saysay ang ating mga pinaghirapan. Ayos din yun magshare ng mga biyayang natatamasa natin materyal man yan o kaalaman dahil malaking tulong na rin ito sa iba maliit man o malaki.