Kabayan, ask ko lang if may chance na may iba pang printing style ka na option besides silkscreen? Nadala na kasi ako sa customized shirt na ganyan yung style eh, wala pang isang buwan nababakbak na. Gusto ko sana yung sublimation na print, yun talaga pinakasubok ko na sa mga order ko ng customized tshirts. Sa ngayon di ko dig yung design mo (hindi ako fan ng basketbol) pero nakita ko na may plan ka na mag-expand, antabay nalang ako sa iba pang mga design.
thank you so much sa iyong suggestion buddy.
Masasabi ko na di ka magsisisi sa silkscreen printing natin, hindi ka madadala.
Sa suggestion mo susubukan ko at titignan ko din para makita ko mismo kung possible ba na maidagdag ko yang sublimation. Pero ang silkscreen siguro na naipagawa mo ay low quality or manipis, sa experience ko okay naman siya and yan din talaga ang pinakagamit na printing na nabibili online na tumatagal (no need plantsahin yung likod sa unang laba, no need handwash para hindi mabakbak).