Ang pakakaalam ko yung IP address lang naman ang mabablock, magkaiba kasi yung ban sa iblock lang yung ip address. Kaya nga sinasabi ng iba na pwede parin naman gumamit ng vpn. Dahil kung ibaban ang Binance sa bansa natin, edi dapat sinama narin sa palugit na sinabi ng SEC tungkol sa BInance ang ibang exchange tulad ng Bybit, Okx, at Bitget sa 90 days.
So ibig sabihin hindi for banning yung sinasabi ng SEC natin tungkol sa Binance, yung ibang mga kababayan kasi natin dito iba yung interpretasyon nila sa nabasa nila sa article na sinabi ng SEC tungkol sa Binance within 90 days.
either Banning or IP blocking para sa akin hindi pa din safe na gamitin ang binance when the regulations starts dahil funds natin ang nakasalalay dito , at kung meron mang dapat mag ingat eh tayo yon, wala naman pakialam satin yang exchange or ang gobyerno ang importante sa ngayon eh yong mapilit nila ang binance na sumunod or else masisira negosyo nila dito.
di ako susugal gumamit ng VPN kung meron namang ibang exchange na magagamit ko ng safer.
Mas okay pa nga na gumamit ng ibang exchange kesa gumamit ng vpn, kahit ako man ay hindi nanaisin na gumamit ng vpn, although naranasan ko ng gumamit nyan before before hindi rin naman ako na satisfy sa to tell you honestly. Saka ngayon palang mas maganda na siguro na tanggapin nalang natin ang katotohanan na mawawala na ang binance sa pinas.
At least kahit existing pa ito sa ngayon, masasanay narin tayong wala ang binance pagdating sa p2p transaction. Saka simple lang naman ang logic kung may maalis tiyak may ipapalit or may makikita tayong alternative na mas okay pa kesa sa dati yun lang naman diba?