I've been thinking about future trading, may nagtratrade ba dito at possible ba kumita ng $10 per day sa futures?
Any suggestions about this or mas ok paren and spot trading? Anyway I do have my knowledge naman about trading, pero hinde ko pa namamaximize yung futures trading, planning and hoping magawa ko ito before the year end.
Mga one year na siguro ang nakalipas noong nag-try akong mag-future tradings sa Bybit at ang masasabi ko ay risky siya kung hula-hula lang yong ginagawa mo kasi baka malamon ng market trend yong capital mo. Ang ginawa ko sa Bybit ay kinopya ko na lang yong mga master traders nila pero hindi ako nag-copy trading. Future trading on my own pero kinopya ko kung anong trade ng mga master trader, maganda naman yong simula pero medyo stressful lang kasi palagi kang naka-monitor sa trade mo baka kasi ma-liquidate.
Pero yong $10 per day ay malabo para sa akin sa trading.
Yun ang nakakatakot sa future trade kasi pag merong biglang galaw na hindi mo anticipated, malamang sa malamang liquidated yung
pera mo, sa otherside naman eh kung matitimingan mo eh dun ka naman kikita.
Mahirap at stressful lalo kung wala ka pang experienced na malalim kung paano ka mag aadjust sa incoming market, pero kung willing ka mag take ng risk may maganda din naman na pwedeng mangyari nandyan naman palagi yung chance na kumita ka rin.