Walang imposible pag yung taong magiinitiate eh talagang madaming pera, alam naman natin na kung sakaling meron man magpagawa ng billboard at kaya nyang tustusan yung halagang gagastusin hindi mahirap na magawa yun, isang bagay lang naman yung nakikita kong magtutulak kung sino man sya, yun eh sapat yung kaalaman nya at nagtitiwala sya na yayakapin sa malapit na hinaharap ang pag gamit ng cryptocurrency.
Sa tingin ko kahit maraming pera ang tao ay hindi siya basta basta magpapa billboard for Bitcoin awareness. More likely ang magpapabillboard ng isang ads ay dahil meron silang isinusulong na market. Kung wala namang business ang taong ito na may kinalaman sa Bitcoin ay hindi nya maiisipan na magpabill board for Bitcoin awareness sake.
Billboard at socmed malamang sa malamang kayang palaguin ang interest lalo na nung mga taon meron ng kahit papanong kaalaman at nagpapalawak at nagbabakasakaling kumita sa larangang ito.
Sa totoo lang may effective ang pagpapapublish sa mga social media dahil halos lahat ng tao ay may access dito at mas personalized ang approach kesa sa billboard.