Kung ikaw ang hacker, tatanggapin mo ba yung reward or lie low lang muna since may possibility na bluff lang yung offer ni Sun since pwede naman nya ipahuli nalang sa pulis yung hacker withotu announcing na nakuha na nya yung info ng hacker?
Simple Q&A muna tayo habang wala pang action si Bitcoin.
I think bluff lang siguro yong announcement ni Sun kasi kung alam mo naman yong identity ng hacker, eh wala ng problema kasi pwede mo na siyang ipa-pick up at hindi na mag-aksaya pa ng oras para i-announce na identified na siya at yong whitehat reward ay ma-save pa niya.
Sa panig naman ng hacker ay lie-low muna at palamig muna ako, kung ako yong hacker, kahit bluff man yon, delikado pa rin kasi may mga galamay din si Sun na hu-hunting sa hackers.
Oo kabayan kung talagang meron syang lead pwede naman nyang ipahuli ng diretso yan may pera sya pang gastos at para mapanagot yung hacker at para rin maboost yung negosyo nya, pero tingin ko din bluff lang yung offer na yan kasi nga may mga legal actions naman na pde gawin pero parang sablay na operan mo yung hackers para mabawi mo yung ninakaw nila.
sa part ng hacker malamang lielow at nagtatago na yung mga yun, nasa kanila yung pera kaya magagawa nilang gamitin yun para maiwasan yung pwedeng iwasan.