Pede naman na magpokus sa cryptocurrency o bitcoin basta handa lang sa lahat ng mga hindi magagandang pwede mong kaharapin talaga dito habang inaaral ito. Dahil hindi magiging madali ang pagbuhos ng buong oras dito sa field na ito ng crypto business sa totoo lang. Hindi naman sa nananakot ako kundi nagsasabi lang ako ng totoo dahil ito ang naranasan ko after so many years for being here.
Lahat naman tayo ay nakaranas ng pagkatalo kaya yung warning natin hindi naman pananakot yan kundi pagsasabi lang ng katotohanan, sa yun talaga ang totoo kaya ako sa mga nagtatanong sa akin, yung mga risks muna ang sinasabi ko bago yung mga potential profit, para kung talagang handa sila mag risk tsaka lan gako mag aadvice
ang tanung kakayanin mo ba talaga? dahil kung makaramdam ka ng kahit konting-konti na pagdududa o pag-aalinlangan ay huwag mo ng ituloy at manatili kana lang sa trabaho na meron ka yun ay kung meron kang trabaho na pinagkakaabalahan.
Sa market na mataas ang volatility at napakaraming coins na pagpipilian dapat meron ka pamback up na trabaho, kasi may mahabang bear trend na halos walang kita o matagal na paghihintay bago magkaroon ng shift sa market.
Kahit naman bear trend, kung alam mo naman sa sarili mo na may malalim kang understanding sa trading ay pwede kapa rin naman na makakuha ng profit sa day trade. Pero huwag kang sasabak kung mababaw ka lang sa trading siyempre. Kaya nga merong mga scalper, day trader, or yung mga short-term traders para at least kahit papaano ay merong ibang alternative profit habang may mga hinohold tayong mga coins.
At yang volatility kahit sabihin pa natin mataas ang percentage nyan sa merkado sa bawat coins ay normal nalang yan sa atin dahil dyan naman tayo kumikita din naman, although meron ding risk, kaya nga ang laging tanung diba, ay handa ba tayo dun?