Meron pa rin namang hindi tumataggap, kaya bilib ako dun sa mga influencer na nakakatanggap ng offer or sponsor ng sugal pero never tinanggap ang ano mang offer. Ito kasing mga tumatanggap ng sponsorship e kinokonsider nila na blessings kahit na yun nga ang kapalit pwedeng pagkasira ng buhay ng ibang kababayan natin. Pati mga artista nga di ba hindi makatanggi sa mga endorsement ng sugal. Derik Ramsey, Luis Mansano, Maine Mendoza, Long Mejiya at madami pang iba. Magkano kaya bayad sa mga yan. si Pacquiao pa pala ilang beses na dati 8kbet ngayon naman bk8. Haha
Tama ka, nakakabilib din naman talaga yung mga influencers na may prinsipyo at hindi tinatanggap ang mga offer na makakasama sa kanilang audience. Mahirap talaga labanan ang tukso ng malaking pera, pero nakakatuwa na may mga taong inuuna pa rin ang kapakanan ng iba. Sana dumami pa yung mga tulad nila na talagang may malasakit sa kanilang mga tagasunod.
Hindi lahat ng blessings ay dapat tinatanggap lalo na kung ito’y magdudulot ng negatibong epekto sa iba. Sa totoo lang, hindi natin alam kung magkano ang bayad sa mga endorsers na ito, pero ang mahalaga ay ang kanilang responsibilidad bilang mga influencer. Dapat silang maging maingat sa mga endorsement na kanilang tinatanggap dahil malaki ang kanilang impluwensya sa publiko.
Oo sang-ayon din ako sa sinasabi mo, isa sa mga kinabibiliban ko na mga influencers ay si @kuya renan sa Facebook nasa 100k sa pera natin ang offer sa kanya kada uplod ng video sa pagpromote ng gambling ay hindi nya talaga tinanggap, tapos si @Pepz TV nasa 150k naman ang offer sa kanya kada uplod din ng video na isisingit lang yung pagpromote ng gambling.
Kaya yung ibang mga influencers na nagpopromote ng gambling ay mga hayok sa pera at masasabi kung wala talagang pakialam sa mga taong pwedeng masira ang buhay dahil sa sugal, dahil ang iisipin ng tao na magsusugal ito na yung pag-asa nya bagay na hindi maganda na pwedeng magdulot ng hindi rin maganda sa pagbabago ng kanilng karakter bilang tao.