Kaya kudos talaga sa mga influencers na hindi nag promote ng sugal at ok na sakinala ang kita nila sa social media dahil hindi sila nakakasira ng buhay ng tao at tsaka pure good contents lang ang makikita natin.
Yung mga videos na puro prank at katatawanan usually ang mga promoters ng mga gambling platforms pero yung mga nasa health, politics, electronics and motivational videos wala silang pino promote na gambling platform, kaya asahan mo pag nakakita ka ng video na tungkol sa prank o mga chismis o katatawanan asahan mo kalahati ng video dedicated sa promotion ng gambling platforms.
Kaya ako sinasabihan ko yung mga bata sa bahay namin pag naka follow sila sa mga ganitong vloggers pagkatapos ng video at may lumabas na image ng casino i scroll na agad nila pababa kasi puro panloloko lang yan mga yan para ma enganyo ka magsugal.
Yung mga nakakatawa kasi ang alam nila na panonoorin talaga ng tao hanggang dulo. Lalo na uso ang mga prank, at kung ano pang mga kalokohan na makakapag bigay saya sa atin. Ang mga sumikat pa naman na influencers ngayon or yung madaming followers ay yung ganyan ang content kaya sila din talaga ang inoofferan na magpromote ng sugal.
Good prevention un pra sa mga bata para hindi na makita ang sugal, scroll up agad and bigyan ng advice na hindi maganda ang mga ganung pinopromote lalo na sa edad nila.