Madalas kasi sa karamihan satin ay isinasapalaran pa lalo ang profit na sana. Hindi marunong mag-gauge kung kelan kakamig at kung kelan lalaban. Madali lang naman kumuha ng profit at magtabi ng onti para ilaban. Sa bull run, profit ang importante bago ang magsugal pa lalo dahil any time may tendency na bumagsak ang presyo ng bitcoin. Mabuti nang mag regret na nagbenta agad kesa mag regret na hindi nagbenta. Mas madali matulog nang nakabenta ka kesa hindi ka nakabenta at all
Totoo yang sinasabi mo na ito kabayan, dibale ng parang hindi ka kuntento sa profit na nilabas mo kaagad kesa naman yung nawala pa yung profit na meron na dapat tayo. sabi nga huwag maging sakim sa kita, kung naachieve na natin yung target profit hinto na tayo agad or exit na huwag ng magdalawang isip pa. Ika nga profit is profit na sure na yun.
Madami kasing nadadali sa ganyan sa totoo lang, yung nagbabakasakali pa na baka tumaas pa ng husto tapos biglang hindi mangyayari yung inaasahan then sa huli magsisisi kaya resulta walang dapat na sisihin kundi ang sarili din natin.
Noong nag uumpisa ako sa Cryptocurrency ganyan ang takbo ng pagiisip ko, nasa isip ko lagi na baka may itatas pa kaya maghintay munang tumaas, hanggang sa di ko namamalayan bumagsak o naging bear trend na ang scenario at nakain na yung profit mo sana.
Kaya nga di tayo dapat maging greedy at mag sell tayo at the right time, kahit maliit ang profit basta mahalaga maka take advantage sa market condition, we must moderate our greed kahit mukhang very positive ang market kasi mabilis lang magpalit o mag shift ang market.
Sa tingin ko ang problema hindi naman talaga yung greed mismo, kundi sa halip ang problema at kalaban natin ay yung ating sarili. Yang greed andyan sa tabi o paligid natin, kaya nga kahit wala ka sa crypto industry, let say nasa traditional business ka pag hinayaan natin na makapagsok yung greed sa ating isipan asahan mo hindi na maganda ang magiging resulta nito sa huli.
Ito langnaman yung assessment ko, siguro panindigan lang natin yung kung ano ang plano yun dapat ang mangyari, kapag ngyari na ang ating tinatarget na income ilabas na natin yung profit na meron na tayo, tapos ulitin lang natin ulit yung ginawa natin kung pano tayo nakakuha ng profit.