Magandang araw sa lahat ng mga kababayan ko sa lokal section na ito, first time kung gagawin na magflex dito sa forum tungkol sa nagawa ng crypto business sa aking buhay.
Sa ilang taon ko dito na pananatili na nasa 7 years narin ay kahit papaano ay malaki ang naging ambag ng crypto industry na ito, lalo na ang forum na ito. Madami tayong mga pinagdadaanan na hindi magaganda sa crypto market pero nanatili parin tayo dito sa paniniwalang makakatulong ito sa ating pinansyal na problema na kung saan ay totoo naman talaga. Nagsimula ako sa cryptocurrency at sa forum na ito wala pa akong anak o pamilya ngayon may pamilya na at anak ako ito naman ang ginawa na tulong sa aking ng crypto industry na ito.
Yung pagkakaroon ko ng knowledge sa bitcoin at crypto ay malaking factor talaga, na kung saan habang inaaral ko ito sa pamamagitan ng forum na ay madaming mga campaigns na aking nasalihan na kahit papano ay nakakapagbigay ng earnings na siyang nagiging tools din para makapag-aral ako ng trading paunti-unti kahit inabot ng taon bago maintindihan talaga ay sulit naman ang resultang binigay sa akin, kahit sa kabila ng mga balita na aking napapanuod sa mga social media at mainstream tungkol sa cryptocurrency na hindi maganda ay hindi ako naniwala dun na masama ito at alam nating lahat yan bagkus alam natin nagagamit lang ang crypto sa pang-iiscam pero nagagamit din naman sa mabuting paraan kung aaralin lang ng tama.
Natutuwa lang po kasi ako at higit na nagpapasalamat din sa maykapal na ginamit nya talagang instrumento ang bitcoin o crypto para makapundar ako ng isang munting tahanan para sa pamilya ko na meron ako ngayon, hindi ko sinasabing successful na akong tao dito sa crypto space, kung nais ko lang ibahagi na kahit pala inaaral parin natin ang crypto at trading hanggang ngayon ay pwede talagang makapagpundar ng paunti-unti para sa pangarap na gusto natin, basta marunong humawak ng pera kapag nagkakaroon na tayo ng profit na maganda dito sa crypto.
Kaya itong larawan na nakikita ninyo, isa lamang po ito sa bunga ng pag-aaral ko sa bitcoin at crypto trading para makapaginvest ng simpleng bahay na yan, though may iba pang naibigay sa akin ang cryptocurrency business ito nalang yung binahagi ko dahil ito naman yung common na dream nating mga pinoy simpleng buhay kasama ang pamilya, sana lahat tayo dito sa mga holdings natin na crypto ngayon ay makapagbigay ng magandang earnings sa future na ating hinihintay lalo na itong bull run.
HAPPY BULL RUN SA LAHAT NAWA'Y LAHAT TAYO AY MAGTAGUMPAY SA MGA HAWAK NATING ASSETS NA CRYPTOCURRENCY AT BITCOIN