Pansin ko kase recently sa mga government now or yung mga required ng another second ID is Philhealth ID tas yung isa police clerance ID na ginagamit nila bukod sa postal na pwedeng gamitin for valid ID if wala pa, sa inyo ba may mga wala pa ding PhilPost? dito sa amin apaka dami pang wala nauna nga ako sa mga kasama ko kahit late na ako nag fill up eh.
Galing ako nakaraan sa Philpost at 650 yung rush nila. Madali lang din ang mga requirements nila yung asawa ko mag apply pero isang ID palang ang meron siya. Okay na okay din pala itong ID na ito dahil mag apply siya ng passport niya. Mababait na din yung staff ngayon sa philpost na dati sobrang tataray o baka dito lang sa philpost branch na malapit sa amin. Tanong ko lang, 3 years ba validity ng postal id?
Sa pagkakalaalam ko 3 years ang validity nito.
Kaya sakin expired na last year hehehe, natatandaan ko heto ginagamit ko sa isang sikat na exchange dati nung hiningan ako ng ID for verification. And nagiging problema ko lang dito sa postal ID na to eh ang hirap kunan ng picture or images kasi ang kintab eh, hahahaha.
Pero buti na lang bumalik ako sa thread nato at kailangan ko narin talagang mag renew nito.