Kung kayo ang nasa posisyon ng mga prison guards ito din ba ang itatanong nyo kay CZ? or pabayaan nalang sya at wag gambalain?
Nope dahil ang alam ko lang naman kahit ano sabihin niya hindi guaranteed saka for sure, baka gagamitin pa yan sa kanya laban sa case niya, tama lang ginawa ni CZ na hindi siya nag drop ng kahit anong coin saka para na rin makakatulong yan kasi what if nag drop name siya ng coin saka nag dump at nawalan ng pera yung mga prison guards? Kasalanan pa yan ni CZ ngayon.
Pwede rin yang assumptions mo. Pero tingin ko wala namang masama siguro kung mag suggest lang tas mag sabi ka ng DYOR parin. Nasa papa intindi lang yan, pero gusto ko din yung mas pinili ni CZ na manahimik dahil para wala ng ibang katanungan talaga at mamuhay syang tahimik sa kulungan.
Kung kayo ang nasa posisyon ng mga prison guards ito din ba ang itatanong nyo kay CZ? or pabayaan nalang sya at wag gambalain?
Sulitin na yung pagkakataon dahil bihira lang nilang makadaupang palad ang isang CZ. Kaya kung ako ang nasa sitwasyon nila, magtatanong na din ako agad agad para sigurado ako kung saan ko ilalagay yung pera ko. Kahit na may konting kaalaman naman ako, mas magandang madagdagan yun at manggaling pa nga kay CZ para mas sigurado. Expected ko na unang sasabihin niya ay BTC at sunod naman ang BNB pero maganda din makarinig ng words of wisdom sa mga ganyang uri ng tao na naabot na ang peak ng success.
Malay naman nila diba baka mag bigay ng certain inputs na makakatulong sa kanila pero wise din to si CZ at mas pinili nya nalang na manahimik which is good decision naman.
Nakakatuwa na pati mga prison guards, curious din sa crypto at humihingi pa ng tips kay CZ! Shows kung gaano na talaga kalaganap ang crypto world na kahit sa unexpected places, topic pa rin ito.
Kung ako siguro nasa posisyon ng guards, baka mapapatanong din ako! Pero baka magtatanong ako ng general tips kaysa specific na coin para hindi naman sobrang direct na advice.
Meaning malawak na talaga ang abot ng crypto kaya amazing talaga na pati sila curious dito.
Sobrang OO, biruin mo kausap mo na ang god of crypto at alam nya yung mga tokens na malapit sa knya na may chance mag pump. Ika nga nila may insider trading ka na kasama kaya sulitin mo na.
Pero matalino si CZ pag ginawa nya yan baka makasuhan sya ulit kaya tingin ko wrong place at time lang talaga yung pagtatanong at kung sa labas ito ng kulungan baka sumagot pa siguro si CZ sa mga yun at nag bigay ng sariling opinion ukol sa tanong nila.