Magandang araw sa lahat ng mga katropa natin dito sa ating lokal section, Ngayon, since na nasa crypto trading tayo, ay pag-usapan natin kung ano nga ba ang dapat nating gawin na mapataas ang ating capital sa ganitong uri ng industriya na ating kinalalagyan sa ngayon? So, magbibigay lang ako ng ilang mga tips reminders sa ilang mga kasama natin dito sa platform lokal section na ito para naman meron tayong ma feed na maganda sa mga kababayan natin. Kaya ang una ay ang mga sumusunod:
1. Kung ikaw ay matagal ng nagsasagawa ng trading sa field ng crypto business na ito dapat lang siguro na
Reinvest natin ang ating profit.
May mga instances kasi diba na kailangan natin yung profit natin, or kadalasan na nagyayari sa atin ay wala tayong choice dahil kailangan nating magbayad ng bills at iba.
Pero sana gumawa tayo ng paraan na mabawasan o mapaliit yung mga expenses natin. Para hindi muna natin magamit yung profit natin sa halip magamit at magawa natin itong
ma compound. Halimbawa 10% na kinikita natin sa weekly o monthly man yan ay ihiwalay natin at ilagay natin sa investment dito sa crypto o bitcoin assets. Basta make sure na marunong
tumingin ng tamang crypto assets bukod sa bitcoin.
2.
Magpokus tayo sa consistent profit hindi man mabilis pero big wins naman sa huli. May mga iba kasi na mga tao na gusto agad 100% o 50% agad yung kikitain nila, well, pwede
naman itong mangyari kaya lang mahirap maexecute ito sa totoong buhay. Kaya mas okay na yung kahit 3-5% na profit basta at least sustainable naman ito, diba?
Kaya nga ang ganitong mga sitwasyon ay malaking factor talaga yung pagkakaroon ng patience sa totoo lang. Kaya iwasan natin yung quick wins tapos quick disappear din, sa halip dun
dapat tayo sa pangmatagalan.
3. Sikapin nating
magdagdag ng Fund Gradually So, parteng ito very important parin talaga na meron tayong stable na income tulad ng regular na trabaho or mga business na pwede
mong mapagkunan ng pera. Yung bang tipong hindi tayo umaasa o aasa lang dito sa crypto trading. Kaya nga yung iba laging pinapayo na huwag muna agad magfull-time dito sa crypto
trading dahil nga hindi ito madaling pasukin at gawin. Kaya kung hindi mo kayang makakuha ng profit dito sa crypto space as part-time mas hindi mo kayang makakuha ng profit dito kapag
nagfull-time kapa. Kung kaya naman mas advisable parin na meron kang ibang sideline income.
Ito ay personal kung opinyon at mga payo lang naman.
Ways to Grow our PROFIT
1. Do your own research
2. Do technical analysis
3. Diversify your portfolio
4. Implement a solid trading strategy
5. Utilized advanced trading technique
6. Stay informed and adaptable
Referrence:
https://www.britannica.com/money/cryptocurrency-portfolio-diversification